5 hanggang 8 milyong Covid-19 vaccines darating ngayong linggo-Galvez
- Published on August 24, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng lima hanggang walong milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa ika-apat at huling linggo ng buwan ng Agosto.
Ito ang naging pagtataya ni vaccine czar at chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr.
Ani Galvez, inaasahan niyang kabilang sa ide-deliver sa bansa ang tatlong milyong doses ng Sinovac, 360,000 doses ng Pfizer, at 1.8 milyong doses ng Moderna.
Ang mga bakunang Sinovac at Pfizer ay binili ng pamahalaan habang ang Moderna naman ay binili ng gobyerno at ng pribadong sektor sa pamamagitan ng trilateral arrangement.
Maliban dito, inaasahan din ni Galvez na magde-deliver ang COVAX facility ng “monthly pledge” nito na tatlong milyong doses sa Pilipinas.
“Napakasaya po natin dahil palaki nang palaki ang bilang ng ating mga kababayan na nakakakuha na ng complete doses ng mga bakuna,” ang pahayag ni Galvez
“The government is expected to breach the 30-millionth mark in administered jabs since it first began the national vaccination program in March. As of Aug. 20, more than 13 million Filipinos have already been fully vaccinated while 16.9 million have received their first dose,”aniya pa rin.
Samantala, target naman ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 18.5 % ng 77 million eligible population bago matapos ang taon para makamit ang herd immunity. (Daris Jose)
-
Singapore Airlines magbabawas din ng mga empleyado
Magbabawas ng 4,300 na empleyado ang Singapore Airlines dahil sa epekto pa rin ng coronavirus. Ang nasabing bilang ay 20% workforce ng nasabing airline company. Apektado dito ang regional carrier nito na SilkAir at budget airline na Scoot. Sinabi ni Singapore Airlines’ chief executive Goh Choon Phong, na masakit sa loob nila […]
-
QC MAYOR BELMONTE, PINARANGALAN NG UNITED NATIONS
TUMANGGAP ng pagkilala mula sa United Nations Environment Programme (UNEP) si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang 2023 Champion of the Earth for Policy Leadership. Ang parangal na ito ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng United Nations para sa mga indibidwal at organisasyon na nagtataguyod ng mga programa para sa kapaligiran at kalikasan. […]
-
Pacquiao ‘welcome’ na presidential bet sa 1Sambayan
Posibleng maging presidential candidate sa 2022 elections ng 1Sambayan si Sen. Manny Pacquiao. Sinabi ni Fr. Albert Alejo, isa sa convenors ng coalition na kung mayroong mga kaibigan si Pacquiao na magno-nominate sa 1Sambayan ay welcome ito. Kung may mag-nominate man sa senador ay tatanungin siya kung handa siya na sumailalim […]