5 high ranking PNP officials binalasa
- Published on November 22, 2023
- by @peoplesbalita
LIMANG high ranking officers ang inilipat ng puwesto ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., bilang bahagi ng reorganization ng PNP.
Batay sa order ni Acorda, na may petsang Nobyembre 17, itinalaga si dating PNP Director for Information and Communication Technology Management (DICTM) Maj. Gen. Bernard Banac bilang bagong Director ng Special Action Force (SAF) kapalit ni Maj. General Rudolph Dimas na mapupunta naman sa kanyang bagong puwesto bilang hepe ng Directorate for Plans (DPL).
Malilipat naman si dating DPL chief Brig. Gen. Neil Alinsañgan, sa DICTM habang ipupuwesto si dating Police Community Affairs and Development Group (PCADG) director Brig. Gen Lou Evangelista, bilang bagong Police Regional Office (PRO) 1 Director kapalit ni Brig Gen. John Chua.
Itinalaga naman si PCol. Restituto Arcanghel bilang PCDAG Director at si Chua ang bagong itatalagang Area Police Command (APC) sa Visayas.
Nauna ng sinabi ni Acorda na wala umano siyang plano na magsagawa ng malawakang balasahan mula ng maupo siya sa puwesto. Kailangan lamang ang balasahan kung may mga bakanteng posisyon dahil sa pagreretiro ng ilang opisyal.
Si Acorda ay nakatakdang magretiro sa unang Linggo ng Disyembre ngayong taon sa pagsapit ng kanyang retirement age na 56. (Gene Adsuara)
-
Tambalang Sara-Go sa Eleksyon 2022, binuking ni PDu30
IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipintong pagtatambal nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Christopher “Bong” Go para sa dalawang “top government posts” sa May 9, 2022 elections. Kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa labas ng Sofitel Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado ang bagay na […]
-
Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw
HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila. Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya. Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]
-
Mga golfer marami ng torneo sa 2021
SINALUDUHAN ng Games and Amusements Board (GAB) ang una sa dalawang torneo ng Philippine Golf Tour (PGT) sa restart mula sa eight-month stop dahil sa Covid-19 at hinimok ang mas maraming kompetisyon ng sport sa taong 2021. Base ito sa ulat na nakarating kay GAB chairman Abraham Kahlil Mitra mula sa Pro-Basketball and Other […]