5 istasyon ng LRT 1-Cavite Extension bubuksan ngayon November
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
MAGANDANG balita sa mga pasahero sa southern na lugar ng Metro Manila dahil limang (5) estasyon ng Light Rail Transit Line 1 – Cavite Extension ang bubuksan ngayon katapusan ng buwan.
Ito ay ayon sa balita ng Department of Transportation (DOTr). Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na ang limang estasyon sa Phase 1 ng nasabing proyekto ay ang mga sumusunod: Redemptorist, MIA, Asia World (PITX), NAIA, at Dr. Santos (Sucat).
“We will open this line within the next maybe two to three weeks. This is within November. This will be the first railway project to be completed within the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” wika ni Bautista.
Ayon sa Light Rail Manila Corp, na siyang pribadong operator ng LRT 1, ang nasabing limang (5) estasyon ay may railway alignment na anim (6) na kilometro kung kayat ang kabuohang distansya ay 26 kilometro.
“This will allow people to traverse the alignment within a span of less than an hour,” saad naman ni LRMC President at CEO Enrico Benipayo.
Sa ngayon, ang LRT 1 ay tumatakbo mula sa kahabaan ng estasyon sa FPJ o dating Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa lungsod ng Pasay. Dahil sa bagong 5 estasyon, sinabi ni Benipayo na inaasahan nila na ang kauna-unahang transit system sa bansa ay tataas ang ridership ng 80,000 kada araw.
Ang LRT 1 ay nagsasakay ng may 320,000 na pasahero kada araw ngayon. Inaasahan din ng LRMC na ang 5 estasyon ay makakatulong upang tumaas ng hanggang 400,000 ang pasahero kada araw at mas inaasahan pa nilang tataas pa ang bilang ng mga pasahero ng hanggang 650,000 sa taong 2028 o 2029. Dahil dito kung kaya’t inaasahan rin na magkakaroon ng masiglang ekonomiya sa mga nakapaligid na lugar dito.
“We cannot give you an estimate yet of how much more or less is the economic benefit. But one thing for sure is that the travel time will be reduced. Easily, this can be reduced by 30 minutes from Baclaran to Santos Avenue,” dagdag ni Benipayo.
Samantala, ang Phase 2 ng LRT 1-Cavite Extension naman ay ang pabubukas ng estasyon ng Las Pinas at Zapote habang ang Phase 3 naman ay ang estasyon ng Niog sa Bacoor, Cavite. Wala pang anunsyo kung anong timeline sa pagbubukas ng nasabing mga estasyon.
Ang LRT 1 – Cavite Extension ay isang proyekto sa railway na naglalayon na pahahabain ang Light Rail Transit Line 1 (LRT1) mula sa estasyon ng Baclaran hanggang Niog sa Bacoor, Cavite kung saan ito ay tinaguyod bilang isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagitan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) at ng pamahalaan.
Ito ay may estimated na halagang P64.92 billion kung saan ang pondo ay galing sa pamamgitan ng hybrid scheme kasama ang Japanese loan, LRMC, at gobyerno ng Pilipinas. LASACMAR
-
LGUs na tinamaan ng bagyong Odette, magdeklara ng ‘State of Calamity’- Nograles
MAY OPSYON ang Local Government Units (LGUs) na niragasa ng bagyong “Odette” na magdeklara ng “State of Calamity” sa kanilang lokalidad kung sa pakiramdam nila ay kinakailangan. Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ina-assess na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) […]
-
WILLIE, nagpahiwatig sa post na posibleng iiwanan na ang daily show; ipagpatuloy sana ng GMA
TIYAK na ikalulungkot ng mga fans ni Willie Revillame at mga tagasubaybay ng daily program na Wowowin, kung iiwanan na niya ang show, tulad nang ipinahiwatig niya sa kanyang post. Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang sinabi niya na may matindi siyang pinag-iisipang desisyon, pero sana raw ay ipagpatuloy ng GMA Network […]
-
Nanggulat sa pagpayag na maging ‘calendar girl’: RIA, ipakikita na champion sa pagtataguyod ng body positivity
MINAMARKAHAN ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky kasama si Ria Atayde bilang 2023 White Castle Whisky Girl. Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na naka-suot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture. At ngayon at nanggulat nga ang na […]