5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk
- Published on June 27, 2022
- by @peoplesbalita
TUMAAS sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health system.
Ang mga lugar na tumaas sa “moderate risk” ay ang mga lungsod ng Marikina, Pasig, Quezon City, San Juan at Pateros.
“Ang kanilang growth rate ay lumalagpas ng 200 percent dahil nanggagaling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso, kaya tumaas ang growth rate,” ani Vergeire.
Sinabi rin ni Vergeire na ang mga lugar na nasa ilalim ng moderate risk ay maaaring ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2.
Pero nilinaw ni Vergeire na kung pagbabasehan ang data ay hindi naman nangangailangan ng mahigpit na quarantine restriction dahil mababa pa ang bilang ng mga COVID patients na nadadala sa mga ospital.
Nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar, ang pinakamaluwag sa five-tier alert level sa bansa, hanggang sa katapusan ng buwan.
“For now, escalation to Alert Level 2 hindi pa natin nakikita. Although we cannot say by next week biglang nagtaasan. That’s the time we are going to decide and that’s going to be IATF to decide,” ani Vergeire.
Binanggit ni Vergeire ang humihinang immunity ng populasyon at hindi na pagsunod sa public health standards ng mga mamamayan.
“Marami tayong factors lagi that will contribute to the increase in number of cases. Tama kayo, kasama na diyan ‘yung pagpasok ng subvariants ng omicron sa ating bansa, which, based on evidence, is more transmissible. Kasama na rin diyan … ‘yung compliance sa minimum health standards,” ani Vergeire.
Idinagdag ni Vergeire na sinusubaybayan ng DOH ang isang “strategic” na lugar sa NCR kung saan ang kapasidad ng ospital ay tumaas na “higit sa 50 porsyento.”
Pero karamihan aniya sa mga admission ng ospital ay mild at asymptomatic samantalang hindi naman “significant” ang mga severe cases.
“In this area kung saan tumataas by 50 percent, ito po ’yung isang lugar sa Metro Manila kung saan may malalaking ospital, kung saan sa iba’t ibang bahagi ng NCR nanggagaling ang pasyente, even outside NCR,” ani Vergeire.
Una nang nagbabala si Health Secretary Fransisco Duque III na ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay maaaring tumaas ng hanggang 2,000 araw-araw sa katapusan ng Hulyo, batay sa isang panayam sa telebisyon. (Daris Jose)
-
Ads September 12, 2022
-
‘Vaccine security,’ long term plan para sa mga dumarating na sakit’ – NTF
Ipinupursige na ng pamahalaan ang paglikha ng katulad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, bilang long term project sa paglaban sa mga lumalabas na sakit. Ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., sinisikap nilang pagsamahin ang kakayahan ng University of the Philippines […]
-
Netflix Release The Chilling Trailer and Poster for ’Fever Dream’
NETFLIX has released the chilling trailer and poster for Fever Dream (Distancia de Rescate), the upcoming horror film inspired by the novel of the same name by Argentinian author Samanta Schweblin. Fever Dream will debut in selected theaters on October 6 and on the streaming platform on October 13. The trailer introduces us to Amanda, […]