5 lumabag sa curfew sa Caloocan, nahulihan ng shabu
- Published on April 19, 2021
- by @peoplesbalita
Kulong ang limang indibidwal kabilang ang dalawang ginang na nahuli dahil sa paglabag sa curfew matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city.
Dakong 1:50 ng madaling araw, nagsasagawa ng “Oplan-Galugad” sa Warayan Street, Minamonte Heights, Barangay 180 ang mga pulis nang mamataan nila sina Marco Nazul, 52, construction worker at Allan Sibug, 57, tricycle driver na lumabag sa curfew.
Nang mapansin ng dalawa ang mga pulis ay tinangkang tumakas ng mga ito subalit, kaagad silang naaresto nina P/Cpl, Daddie Antonio Jr at Pat. Ivan Jay Estanislao na kabilang sa grupong pinamumunuan ni P/Capt. Jansen Ohrelle Tiglao.
Inatasan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng kanilang bulsa at nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P5,032,00 lahat ang halaga.
Alas-11:20 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni Bagong Barrio Sub-Station head PLT Julius Villafuerte, kasama ang 2nd MFC RMFB NCRPO ang natanggap na SMS sa pamamagitan ng NCRPO Compliance Monitoring System na may Ref# R210409-1442 sa Progreso St. Brgy. 151, Bagong Barrio.
Pagdating sa lugar, naispatan ng mga pulis sina Mary Grace Cañete, 37, Ma. Lany Morales, 54, at Cecilio Mabongga, 58, na gumagala na malinaw na paglabag sa city ordinance No. 0889 subalit, nang lapitan nila para alamin ang kanilang pagkakilanlan ay nagtakbuhan ang mga ito.
Hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay inatasan ang tatlo na ilabas ang laman ng kanilang mga bulsa at nakuha kay Cañete ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang plastic sachets naman ng shabu ang nakumpiska kay Morales at isang plastic sachet ang narekober kay Mabongga na tinatayang aabot lahat sa P9,724 ang halaga. (Richard Mesa)
-
Na-stun ni Carlo Paalam ang top seed para makakuha ng ginto sa Asian Elite boxing
MULI ang OLYMPIAN na si Carlo Paalam para sa Pilipinas, na nasungkit ang ginto sa men’s 54 kg class ng ASBC Asian Elite Men and Women’s Boxing Championships na nagtapos noong Sabado sa Amman, Jordan. Ang Tokyo Olympics silver medalist ay pinalo ng split decision laban sa top seed na si Makhmud Sabyrkhan ng […]
-
“ELVIS” SHAKES UP CANNES WITH A 12-MINUTE STANDING OVATION
THE stars (led by Austin Butler and Tom Hanks) and filmmakers (led by director Baz Luhrmann) of Warner Bros.’ “Elvis” were out in full force at the movie’s gala premiere in Cannes Film Festival, where the film received a 12-minute standing ovation — the longest at this year’s event. Check out the […]
-
Ads July 8, 2023