• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 nalambat sa buy-bust sa Caloocan at Malabon

LIMANG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ni Christian Mendioro, 44, watch-listed, kaya isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, agad ikinisa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy bust operation sa No. 83 Baltazar St., Brgy. 69 dakong alas-2:30 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto kay Medioro matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Nasamsam sa suspek ang humigit kumulang sa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Sa Malabon, natimbog din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni Col. Albert Barot sina Hermie Fabilane, 34, Marvin Fabilane, 36, Jhon Rick Berania, 19 at Reggie Tumanday, 24, sa buy bust operation sa Dela Pena St. corner M H Del Pilar, Brgy. Maysilo dakong alas-8:20 ng gabi.

 

 

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang sa 9.0 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,800 at P500 buy bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • GET YOUR TICKETS NOW TO “SHAZAM! FURY OF THE GODS”

    A little over a week before “Shazam! Fury of the Gods” thunders into Philippine cinemas on March 15, fans and moviegoers may get advance tickets now to the DC superhero film and be one of the first in the world to see it.     For details, go to the official ticketing site at http://shazamfuryofthegods.com.ph   […]

  • Pasadong-pasado sa pagganap bilang Maria Clara: Pag-awit ni JULIE ANNE ng ‘Ave Maria’ habang nagpi-piano, nag-trending

    NAGING madali ang pagka-cast kay Asia’s Limiless Star Julie Anne San Jose, bilang Maria Clara sa historical fictional fantasy portal ng GMA Network, ang  “Maria Clara at Ibarra.”      Dahil sa maganda niyang boses, husay sa pagtugtog ng musical intruments, pasadong-pasado nga siya sa role, bukod pa sa mahusay din siyang umarte.     […]

  • Pinagdiinan na, “I don’t need anyone to survive”… HEART, ‘di napigilang patulan ang basher na tinawag siyang ‘gold digger’

    HINDI na naman nakapagpigil ang Kapuso actress -vlogger na si Heart Evangelista na patulan ang isang basher na kung saan tinawag siyang ‘gold digger’.     Wala ngang takot ang Twitter user na si @BasherNgBayan sa panglalait sa asawa ni Sen. Chiz Escudero at sinabi nitong, “Si @heart021485 is a gold digger is a fact.” […]