5 puganteng dayuhan, inaresto ng BI
- Published on December 13, 2024
- by @peoplesbalita
LIMA pang mga puganteng dayuhan ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakdang ibalik sa kanilang bansa upang harapin ang kanilang mga kaso.
Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na kabilang sa mga inaresto ay isang American, isang Chinese, isang Taiwanese at dalawang Koreano sa magkakahiwaay na operasyon ng BI fugitive search unit.
Dagdag pa ni Viado na nakatakdang ipa-deport at ituturing na-blacklisted upang hindi na muling makapasok ng bansa.
“There will be no letup in our campaign to catch and expel these fugitives whose presence here poses a serious threat to public safety and security,” ayon sa BI Chief.
Inaresto noong Deember 2 sa Kabankalan City, Negros Oriental ay ang Amerikanong si Paul Raymond Ross, 66, na wanted sa Pennsylvania sa kasong extortion at harassment.
December 3 naman nang naaresto sa n Lapu-Lapu City, Cebu ang dalawang Koreano na sina Jung Yunjae, 26, at Jeon Hyeonuk, 41, dahil sa over staying at kasong kidnapping na may warrant of arrrest na inisyu ng Ulsan District Court in Korea.
Noong December 6 naman naaresto ang Chinese national na si Ji Shunchao, 64, na wanted sa Shishi Municipal Public Security Bureau sa China dahil sa fraudulent tax refunds.
At noong December 8 naman inresto si ang Taiwanese national na si Ye Tian Hao, 32, sa Pasay City dahil sa warrant of arrest na inisiyu ng district prosecutor sa Taichung, Taiwan dahil sa fraud. (Gene Adsuara)
-
‘The Amazing Spider-Man’ star Andrew Garfield calling Tom Holland the perfect ‘Spider-Man’
THE Amazing Spider-Man star Andrew Garfield shares his thoughts on Spider-Man: No Way Home‘s Tom Holland, calling him the perfect star for the role. Garfield first appeared as the Marvel webslinger in Sony’s rebooted franchise after the Tobey Maguire-led series fell apart during development on a fourth film. The Social Network star would only carry the role through […]
-
Navotas LGU nagbigay ng mga lambat sa mangingisdang Navoteños
IBA’T IBANG lambat ang ipinamigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga rehistradong may-ari ng bangkang pangisda sa pamamagitan ng Handog Lambat Program nito. Umabot sa 649 na maliliit na mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng 200-meter mesh na lambat sa walong magkakaibang laki na maaari nilang gamitin sa paghuhuli ng iba’t ibang uri […]
-
Kahit may petisyon na mag-resign na sa MTRCB: Chair LALA, cool lang sa isyu at suportado ng 31 board members
AYON sa aming reliable source, suportado ng 31 board members ng MTRCB (Movie, Television, Review & Classification Board) ang Chairwoman ng MTRCB na si Lala Sotto. Hindi maitatanggi na siya ang sentro ng galit at sumpa pa mga netizens, partikular na ang mga Kapamilya at avid viewers ng ‘It’s Showtime.’ Ang […]