• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 timbog sa shabu sa Caloocan at Valenzuela

Limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

Ayon kay Caloocan polic chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 9:50 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 15 ang natanggap na text message mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong shabu session sa 657 Anonas St., Amparo Subd, Brgy. 179.

 

Pagdating sa lugar, nakita nina PCpl Rodolfo Domingo II at Pat. Gellord Catapang si Jhon Lester Mayor, 19, at Raymond Debangco,  28, na sumisinghot ng shabu kaya’t agad nilang inaresto ang mga suspek.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 15.06 gramo ng hinihinalang ng shabu na tinatayang nasa P102,408 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

 

Sa Valenzuela, nadakma naman ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforecment Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa buy-bust operation sa Blk 3, Compound 2, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. Deleon si Wilfredo Paragas Jr. alyas Nog-nog, 34, Cherry Deloria, 32, at Jaspher Reyes, 24, bandang alas-12:15 ng madaling araw.

 

Narekober sa kanila ang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, P500 marked money, cellphone at P500 bills. (Richard Mesa)

Other News