• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50 million national ID target na mailabas ng Philippine Statistics Authority ngayong taon

UMAASA ang Philippine Statistics Authority (PSA) na maabot ang target nitong makapag-isyu ng 50 milyong physical at digital national ID card ngayong taon, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga card na ipinapadala para sa delivery.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na mayroong pare-parehong pagtaas sa Philippine Identification (PhilID) cards na ipinadala sa post office para ihatid sa ikatlong quarter ng taon.

 

 

Sa partikular, ang mga PhilID na ipinadala ng Philippine Statistics Authority at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay lumago mula 1.86 milyon noong Hulyo hanggang 2.24 milyon noong Agosto at umakyat pa sa 2.53 milyon noong Setyembre.

 

 

Sa 50 milyon na target ngayong taon, 30 milyon ay physical ID card, habang 20 milyon ay digital versions ng PhilID.

 

 

Noong Oktubre 28, nag-isyu ang PSA ng 23,248,689 PhilIDs para sa delivery o 77.2 porsiyento ng 30.1 milyong target ngayong taon.

 

 

Sinabi ng Philippine Statistics Authority na patuloy itong nakikipagtulungan sa Central Bank sa paghahanap ng higit pang mga paraan upang mas mapabilis at mapataas ang dami ng produksyon at pag-imprenta ng PhilID tulad ng pagpapabuti ng daloy ng datos.

 

 

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng ahensiya na 74,778,024 Filipino ang nakarehistro na para sa Philippine Identification System (PhilSys) noong Nob.7, na 80.9 porsiyento ng 92 milyong target para sa taon.

 

 

Tinukoy ng kagawaran ang suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng PhilSys, partikular sa mobile registration.

 

 

Sa pamamagitan ng mobile registration, nailapit ng Philippine Statistics Authority ang pagpaparehistro ng PhilSys sa mga geographically isolated and disadvantaged areas, gayundin sa mga indigenous cultural communities or indigenous people, senior citizen, at mga taong may kapansanan.

Other News
  • Suplay ng bigas, sapat kahit ‘di mag-import – DA

    TINIYAK  ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa kahit hindi mag-angkat at may banta ng posibleng shortage dulot ng inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.     Ayon sa DA, ang ending stock ng palay para sa unang quarter ng taong 2023 ay 5.66 million metric tons na […]

  • CARL, bilib na bilib kay Mayor ISKO at paniwalang mananalong Pangulo; maraming isa-sakripisyo sa pagtakbo bilang Senador

    NANINIWALA si Dr. Carl Balita na marami siyang magagawa at matutulungan bilang Senador, lalong-lalo na pagdating sa kalusugan at edukasyon na sa tingin niya ay talagang napag-iiwanan na tayo.          Pahayag niya, “I am the only nurse and teacher in the senate running. I am one of the three with the professional licence […]

  • 3 kelot dinampot sa baril sa Malabon

    SA loob ng kulungan gugunitahin ng tatlong lalaki ang Semana Santa matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon City.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro na nakatanggap ng impormasyon ang […]