• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50% ng NAIA flights ilipat sa Clark sa 2025

NAIS ng isang mambabatas na mailipat ang nasa 50% ng flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Clark International Airport (CIA) pagdating ng 2025.

 

 

Ayon kay Minority Leader Marcelino Libanan, ito ay sa panahon na rin sa tinatayang full recovery ng global air travel mula sa COVID-19 pandemic.

 

 

“Assuming all flights are divided evenly between NAIA and Clark by 2025, only half of all flights would be cancelled, diverted or delayed in the event of a sudden emergency in either gateway,” anang mambabatas.

 

 

Halimbawa aniya, kapag nagkaroon muli ng air traffic system glitch sa NaIA o nagkaroon ng aberya ang isang malaking eroplano sa runway ay nasa 50% ng lahat ng flights ang maapektuhan dahil ang kalahati ay nananatiling nasa operasyon sa Clark.

 

 

“We have no choice but to fully harness Clark, which has been up and running for years. Clark is capable of operating more flights, offers good connectivity to Metro Manila via modern expressways, and is only 90 kilometers away from Quezon City,” pahayag ni Libanan.

 

 

Noong nakalipas na linggo, inihayag ng civil aviation officials sa House transportation committee na fully functional na ngayon ang air traffic system ng NAIA.

 

 

Sa pagtataya ng International Air Transport Association (IATA), inaasahang na tumaas ang turista o biyahero sa 82% ng pre-pandemic level ngayong taon,  92% sa 2024 at 101% sa 2025.

 

 

Inihayag pa ng mambabatas na hindi solusyon ang planong pagsasapribado ng DOTr sa NAIA para maresolbahan ang congestion sa airport.

 

 

Ang problema aniya ng NAIA ay kakulangan ng lupa para sa expansion dala na rin sa pagiging highly urbanized ng mga lugar na nakapaligid sa airport. (Ara Romero)

Other News
  • First time lang sumali, title holder agad: CRISTINA, kinoronahan bilang ‘Noble Queen of the Universe 2022’

    BONGGA ang naging salubong ng eventologist na si Tim Yap sa New Year dahil kinasal siya ulit sa kanyang partner na si Javi Martinez. Sa Instagram ay pinost ni Tim ang photo nila ni Javi na magka-holding hands habang nasa Amapulo beach sila at may caption na “married… again.” Kinasal si Tim at ang events […]

  • Walang trabaho sa Pilipinas lumobo sa 2.37 milyon

    LALO pang tumindi ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa pagpasok ng 2023 matapos umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority.     Kapansin-pansing mas mataas ito kumpara sa nasa 4.3% lang noong Disyembre 2022 sa nakaraang Labor Force Survey ng gobyerno.     “Unemployment rate in January 2023 was […]

  • TOM HOLLAND, ‘di napigilan na sabihing mahal na mahal niya ang leading lady na si ZENDAYA

    HINDI napigilan ang bida ng Marvel film na Spider-Man: No Way Home na si Tom Holland ang sabihing mahal na mahal niya ang leading lady na si Zendaya.     Sa red carpet premiere ng naturang pelikula na-interview si Holland at sinabi ito ay: “She’s one of the most incredible people I’ve ever met. And […]