• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA

Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19.

 

 

Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), Cebu, at Imus (Cavite) dahil sa mataas na ‘attack rates’.

 

 

Tinatayang nasa 7.98 milyong indibidwal ang kailangang mabakunahan sa mga lugar na ito na na­ngangailangan ng 15.96 milyong doses.

 

 

“In many countries that have vaccinated 50% of the population, there has been an immediate impact on herd containment of COVID-19. This is the immediate target in high-risk areas,” ayon sa OCTA.

 

 

Iniulat ng OCTA na ang 80% ng mga bagong COVID-19 cases na naitala sa bansa ngayong taon ay mula sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas at Western Visayas.

 

 

Muling ipinaliwanag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pag-abot sa ‘herd immunity’ ay isang ‘long term goal’ at nakadepende talaga sa pagdating ng mas maraming suplay ng bakuna sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • James Gunn, Reveals ‘Guardians Of The Galaxy 3’ Will Explore Heavier Story

    GUARDIANS of the Galaxy director, James Gunn, reveals that the upcoming third film Guardians of the Galaxy Vol. 3 will explore heavier story than its predecessors.     The original movie debuted in 2014 and quickly became a smash hit, grossing nearly $800 million worldwide. Viewers and critics lauded the film for its irreverent and exuberant take on […]

  • NAVOTAS NAKUMPLETO NA ANG PAGBABAKUNA SA MGA FRONTLINERS

    Nakumpleto ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ang pagbabakuna sa priority A1 frontliners.     Nasa 1,297 residente at hindi residenteng frontliners na nakarehistro sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccination program ng lungsod ang nakatanggap ng kanilang shots.  Sa bilang na ito, 178 ang nabigyan na ng pangalawang dosis.     Ipagpapatuloy na din […]

  • DOTr: Paghuhukay ng tunnel sa Metro Manila Subway project, magsisimula na sa Dec

    NAKATAKDA  nang simulan sa buwan ng Disyembre ang paghuhukay ng tunnel para sa kauna-unahang Metro Manila Subway project sa bansa.     Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Sector Cesar Chavez, base sa umano sa usapan nila sa Tokyo, Japan, sisimulan ang paghuhukay ng tunnel sa Brgy. Ugong, East Valenzuela sa Disyembre […]