50 percent ng target population sa NCR fully vaccinated na vs COVID-19 – MMC
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
Aabot na sa 50 percent ng eligible population sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon kay Metro Manila Council and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Nasa 70 percent naman ng tinatayang 10 million adult population sa National Capital Region (NCR) ang naturukan ng first dose.
Tuloy-tuloy pa rin aniya ang kanilang pagbabakuna gamit ang 4 million COVID-19 vaccine doses na ibinigay ng national government.
Sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) period sa Metro Manila mula noong Agosto 6 hanggang ngayong Agosto 20, sinabi ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na 3.2 million vaccine doses ang naiturok sa rehiyon. (Daris Jose)
-
Doon ang taping ng reality-game show na ‘Running Man PH’: GLAIZA, naging emosyonal nang malamang pupunta sila sa South Korea
NAGBIBILANG na ang netizens kung ilang gabi na lamang nilang mapapanood ang magtatapos na hit GMA primetime series na First Lady tampok sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Sunud-sunod na kasi ang mga pangyayari na talaga namang kakabahan ang mga viewers, at naghihintay sila lagi kung ano ang susunod na pasabog. Kaya naman, […]
-
45 miyembro ng PSG, positibo sa Covid -19
BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa, hindi rin nakaligtas ang Presidential Security Group mula sa virus. Sa katunayan ay nakapagtala na ito ng 126 na bilang na nagkaroon ng infection ng virus. Mula sa nasabing bilang ay 45 na ngayon ang naitalang active cases at nagpapagaling. Bagama’t […]
-
“When the time is right, I the Lord will make it happen” Isaiah 60:22