50% population protection sapat para simulan ang pagbabakuna ssa ma kabataan- Galvez
- Published on September 29, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer at
Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na sapat na ang 50-percent population protection para simulan ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17.
Ani Galvez, winelcome ang pinakabagong shipment ng 3 milyong doses ng government-procured Sinovac vaccines sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, na sa oras na nakamit na ang “saturation point” ng inoculation drive para sa priority sectors, ang pagbabakuna sa mas batang age group ay maaari nang simulan.
“We will present in the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) on how we would really look at the possibility as to when are we going to vaccinate our pre-adolescents and if we see that we get the sizeable threshold of more or less 50 percent of our population, we can start vaccinating them,” ayon kay Galvez sa isang panayam.
Matatandaang, ipinanukala ni Galvez ang pagbabakuna sa mga kabataan sa kalagitnaan ng Oktubre.
Prayoridad ani Galvez ang mga menor de edad na may comorbidities at mga anak ng health care workers.
Maaaring makapagbakuna ang pamahalaan ng 12 milyong kabataan sa pagdating ng 20 milyong doses sa unang linggo ng Oktubre.
Samantala, tinatayang may kabuuang 69,699,340 doses na vaccine stockpile ang Pilipinas habang 43,815,426 doses naman ang naiturok na sa buong bansa. (Daris Jose)
-
San Miguel umeskapo sa Blackwater sa overtime
HINDI inasahan ng San Miguel na mahihirapan silang iligpit ang Blackwater. Kinailangan ng Beermen ng extra period para lusutan ang Bossing, 110-107, at patuloy na solohin ang liderato ng 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Umiskor si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng anim sa kanyang 25 […]
-
A MOMENT OF INSPIRED INSANITY LEADS TO ONE TRUE LOVE IN A PRE-VALENTINE DATE MOVIE ‘MARRY ME’
JENNIFER Lopez and Owen Wilson star in a pre-Valentine date movie Marry Me, a fresh and relevant romance for this modern age – 21st century Roman Holiday meets Notting Hill. In Marry Me, we meet Kat Valdez (Lopez), half of the sexiest celebrity power couple on Earth with hot new music supernova Bastian […]
-
IÑIGO, pang-world-class dahil kasama sa lead cast ng American musical drama na ‘Monarch’
THE secret is out, dahil hindi lang kasama sa cast, bida pa si Iñigo Pascual sa American musical drama na Monarch ng Fox Network. Ayon sa balita, gaganap si Iñigo bilang Ace Grayson na isang 18-year old phenomenal singer na nangangarap maging isang country artist. Kinumpirma nga ito ng anak ni […]