500 persons/ staff ng NBA na inilagay sa isolation
- Published on January 14, 2022
- by @peoplesbalita
NAPAKALAKING sakit din daw sa ulo ng NBA organization ngayon ang nasa mahigit 500 mga staff na isinailalim sa quarantine bunsod ng COVID pandemic.
Ang naturang bilang ay mula sa mahigit 2,500 na mga staff.
Kasama sa mga staff na inilagay sa safety at health protocols ay mga equipment managers, video coordinators, security staffers, player development staff, analytics at maraming iba pa.
Sinasabing ang mga ito ay mahirap daw palitan.
Hindi raw katulad sa mga players na pwedeng palitan sa pamamagitan ng pagkuha ng reinforcements mula sa G-League.
Sa ngayon mahigit na rin sa 300 mga players ang isinailalim din ng liga sa quarantine.
-
Paliwanag ng South Korea ibinasura ng FIBA
IBINASURA ng International Basketball Federation (FIBA) ang apela ng South Korea sa pagliban nito sa FIBA World Cup Qualifiers noong Pebrero sa Smart Araneta Coliseum. Ayon sa isang ulat na lumabas sa South Korea, isinumite ng Korea Basketball Association (KBA) ang lahat ng dokumento upang ipaliwanag ang kanilang naging sitwasyon. Kasama […]
-
Pedicab driver todas sa motor sa Navotas
NASAWI ang isang pedicab driver matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Road-10 sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Dennis Pagulayan, 39 ng R-10, Brgy., NBBN Proper. […]
-
Poll protest ni BongBong Marcos, ibinasura ng PET
GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo na may kaugnayan sa naging resulta ng 2016 race. “’Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that […]