50,000 traditional jeepneys nanganganib mawalan ng prangkisa
- Published on February 28, 2023
- by @peoplesbalita
MAY 50,000 na traditional jeepneys ang hanggang ngayon ay hindi pa sumasailalim sa consolidation kung kaya’t nanganganib na hindi payagan magkaron ng operasyon.
Ang mga operators ay binigyan hanggang June 30 upang sumailalim sa consolidation na naaayon sa modernization program ng pamahalaan.
Sa nilabas na datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), may 96,000 na jeepneys lamang ang sumama upang maging kooperatiba o korporasyon na siyang pangunahing kailangan sa ilalim ng public utility modernization program (PUVMP).
“The figure is equivalent to 61 percent of the 158,000 traditional jeepneys plying routes across the country,” wika ni LTFRB technical division chief Joel Bolano.
Ang sektor naman ng UV Express ay mataas ang naitalang compliance sa ilalim ng consolidation policy.
“UV Express sector has 72 percent or 19,000 units of it nationwide have complied with the requirement,” dagdag ni Bolano.
Ang mga individual operators ng traditional jeepneys, UV Express at multicabs ay hindi na papayagan na magkaron ng operasyon pagkatapos ng June 30 hanggang hindi sila magiging kooperatiba kung saan ito ay nakalagay sa memorandum na nilabas ng LTRB.
Nilabas ng LTFRB ang nasabing memorandum kahit na may matinding opisisyon ang mga samahan ng mga transportasyon kung saan ay kanilang tinututulan ang phase-out ng mga traditional jeepneys.
Sinabi rin ng LTFRB na ang mga prangkisa or provisional authority ng mga PUVs na hindi sumunod sa takdang deadline ay hindi na papayagan na magkaroon ng extension.
“If they fail to consolidate, the franchise will not be extended and definitely they cannot operate. They should have anticipated the deadline because it has been extended several times,” saad ni Bolano.
Naghahanda naman ang LTFRB ng mga contingency measures upang masiguro na ang mga pasahero ay hindi maaapektuhan kung ang ibang PUV operators ay mabigong magkaron ng consolidation sa tinakdang deadline.
“The LTFRB has contingency measures in case the operators fail to consolidate at 100 percent of compliance. We will wait for the final guidelines,” ayon pa rin kay Bolano. (LASACMAR)
-
8 Must-watch Movies with FOX Movies this January
HAVE an incredible Hollywood experience with FOX Movies this January 2021. Here’s a roundup of 8 exciting and new movies to add to your must-watch movie list: 0% Volume The Gentlemen: An American expat tries to sell off his highly profitable marijuana empire in London, triggering plots, schemes, bribery and blackmail in an attempt to […]
-
Suporta sa VP’s impeachment, nasa bawat isang mambabatas ang desisyon
Kung sakali man na may isinampang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ay nasa bawat isang mambabatas na ang desisyon kung sususportahan ito. “Lahat naman ng tao may karapatan na mag-file ng impeachment. Nasa kanya-kanyang konsensiya na ’yan ng bawat miyembro ng Kamara kung susuporta sila sa impeachment na may magpa-file,” […]
-
PBBM, muling pinulong ang economic managers para sa review ng 2025 nat’l budget
MULING pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang economic managers na kinabibilangan nina Finance Sec. Ralph Recto, DBM Sec. Amenah Pangandaman at NEDA Sec. Arsenio Balisacan sa Malakanyang, kahapon Lunes. Ito ay dahil sa patuloy na pinag-aaralan ni Pang. Marcos Jr. ang pambansang pondo para sa susunod na taon. Kasama rin sa […]