• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

500k doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac dumating na sa Pinas

DUMATING na kanina noong Linggo ang karagdagang 500,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Sinovac.

 

Ang bakuna ay “on board flight PR359” mula Beijing, gamit ang A330 aircraft.

 

Ang Pilipinas ay bumili ng 25 million doses ng Sinovac vaccine, kung saan ang 1 milyong doses ay natanggap ng bansa noong Marso.

 

Bago pa dumating ang first batch ng bakunang binili ng bansa ay nakatanggap na ang Pilipinas ng isang milyong doeses ng Sinovac vaccines na dinonate ng Chinese government, at 525,600 doses ng AstraZeneca mula sa global aid initiative COVAX Facility.

 

Nito lamang nakaraang linggo, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabakuna sa mga senior citizens gamit ang Sinovac vaccine  sa gitna ng kakapusan ng vaccine supply.

 

Isang araw matapos ito, sinuspinde ng Pilipinas ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa mga indibidwal na mas bata sa 60 taong gulang kasunod ng balitang blood clots na mayroong low platelet counts sa ilang recipients sa ibang bansa.

 

Bago pa ito, hindi naman inirekomenda ng FDA na ipagamit ang Sinovac para sa mga senior citizens, sinasabing kailangan ng mas maraming data para patunayan na ligtas at epektibo ito sa mga matatanda.

 

Ayon naman kay COVID-19 policy chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., target ng Pilipinas na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Filipino ngayong taon, subalit may ilang ahensiya ang nagpahayag ng pagdududa na ito’y maisasakatuparan. (Daris Jose)

Other News
  • KRIS, pinost ang pa-sexy at almost nude pictures sa IG account; dedma na sa mapanghusgang netizens

    MAY pa-hashtag si Kris Bernal para sa kanyang birthday ngayong May 17.     Thirty-two year old na si Kris and most likely, her last year na single pa siya or pwedeng ang taon na magiging misis na siya dahil todo na rin ang pag-aayos niya para sa nalalapit niyang kasal sa boyfriend na si […]

  • NavoConnect

    MULING inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng lungsod ang kanilang libreng serbisyo ng Wi-Fi na NavoConnect upang higit na bigyang-diin ang kahalagahan ng connectivity. (Richard Mesa)

  • NEDA Board, aprubado ang pagbabaho sa flood control projects sa Cavite, NCR

    NAGBIGAY ng ‘go signal’ ang National Economic and Development Authority (NEDA) Board para palawigin ang construction period at iba pang adjustments sa Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project (CIA-FRIMP) at Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) – Phase IV.       Ang NEDA Board sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang chairman, […]