500K hanggang 1 milyong vaccination kada linggo
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong indibidwal bawat linggo simula sa buwan ng Abril.
Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdating ng mas maraming mga bakuna sa nalalapit na pagsapit ng 2nd quarter.
“So ang targeted vaccination natin by April and May, hinahabol namin na magkaroon tayo ng 500,000 to 1 million per week.
Sa ngayon, medyo mabagal tayo dahil kasi po ang ating binabakunahan ay mga healthcare workers, at talagang ang ginagawa natin pine-phase natin talaga dahil kasi iniingatan po natin na mabakante ang mga hospital lalo na ngayon na umaangat po ang ating mga kaso,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Tatlo aniya ang pagkukunan ng pamahalaan na mga bakuna para sa ikalawang bahagi ng 2021na pawang manggagaling sa Sinovac, Gamaleya at COVAX.
Tinatayang aabot aniya sa 11.5 million doses ang inaasahan nila para sa April deliveries habang may paparating pang bakuna sa susunod na linggo na isang milyong doses na binili sa Sinovac bukod pa sa 4 na raang libong donasyon nito sa bansa.
“Iyong sa second quarter delivery natin, ‘yong tatlo ang pagkukunan po natin: ‘yong Sinovac, Gamaleya at saka COVAX.
Dahil nagkaroon na ng EUA ang ano, Emergency Use Authorization ang Gamaleya, puwede na tayong bumili . And then ‘yong Sinovac, March 29, ay 1 million ang atin matatanggap. Ito ‘yong nabili natin na ide-deploy nila at kukunin ng Philippine Airlines in two shuttles this coming ano March 29 po,” anito.
Sa kabuuan aniya ay umabot sa 2. 379 million doses ang parating na bakuna para sa 1st quarter.
“So ang total doses na darating ngayong ano ngayong first quarter is 2.379 million doses. At sa ngayon po mayroon na po tayong activated na 1,523 na vaccination site. Sa April deliveries naman po, magkakaroon tayo ng more or less 11.5 million doses,” ang pahayag ni Galvez. (Daris Jose)
-
Ads December 30, 2020
-
Locsin personal na nag-sorry sa Chinese government
HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Chinese government sa mga maaanghang na pahayag nito sa kanyang tweet na may kaugnayan sa presensiya ng Chinese ships sa West Philippine Sea. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, personal na humingi ng dispensa o paumanhin si Locsin kay Chinese Ambassador to the […]
-
Pinoy tennis star Alex Eala umangat ang puwesto sa tennis world ranking
Umagat ang world ranking ni Filipino tennis star Alex Eala. Ayon sa tennis World Juniors ranking nasa pangalawang puwesto na ito. Nakakamit kasi ito ng 467.5 points matapos na magwagi ng dalawang titulo sa Trofeo Bonfiglio, J Tournament sa Milan, Italy. Nahigitan ng 16-anyos na si Eala si Elsa […]