• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50K jeepney drivers sa Metro Manila mawawalan ng trabaho — Manibela

POSIBLENG umabot sa 50,000 jeepney drivers sa Metro Manila ang hindi na makabiyahe at tuluyang mawalan ng trabaho sa pagsisimula ng taong 2024.

 

 

Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena, ito na umano marahil ang pinakamalungkot na Pasko sa hanay ng libu-libong mga jeepney dri­vers ngayong taon dahil bubulagain sila ng ‘jobless’ na status sa Bagong Taon.

 

 

Ito’y sanhi ng pagtanggi ng mga jeepney drivers at ng kanilang mga operators sa ‘franchise consolidation’ matapos magbigay ng ultimatum ang gobyerno na hanggang Disyembre 31, 2023 sa PUV Modernization Program.

 

 

Aminado si Valbuena na lubhang napakahirap ng sitwasyon ng mga jeepney drivers at mga operators dahil masyado umanong mahal ang ipinagpipilitan sa kanilang bilhin na mahigit P2 mil­yong modernong jeepney na kung tutuusin ay mga mini bus na gawang China.

 

 

Sinabi ni Valbuena na inamin na ng mga operators na hindi nila kayang bilhin ang napakamahal na modernong jeepney na bago pa umano mabayaran ng buo ay sira na dahil mahinang klase ito o palpak ang kalidad na laging suki sa talyer kaya malulugi lamang ang mga bibili nito.

 

 

Bukod dito, ang operators ay kailangang may 15 units ng nasabing modern jeepney at dito’y mas mapapaboran aniya ang mga malalaking negosyante.

 

 

Ayon pa kay Valbuena, namemeligrong hindi na makabiyahe pa sa Metro Manila ang nasa 50,000 jeepney units gayundin ang iba pang mga UV Express Units bilang resulta ng PUV Modernization Program.

 

 

Kaugnay nito, kaliwa’t kanang kilos protesta ang nakatakdang isagawa ng transport groups bilang protesta sa PUV Modernization Program na anila’y anti-poor. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 task force, pag-uusapan ang health package, insentibo para sa home quarantine

    PAG-UUSAPAN ngayong linggo ng pamahalaan ang health packages at insentibo para sa mga taong naka-home quarantine dahil sa COVID-19.     “Sa gaganapin na meeting [ng COVID-19 task force] ngayong Thursday, isa ‘yan sa mga pag-uusapan natin: first of all, iyong package, health package na puwede nating ma-offer for those who undergo home isolation,” ayon […]

  • Dagdag na mahigit 1.8-M doses na Pfizer vaccines dumating sa bansa

    Nakatanggap ang bansa ng karagdagang 1,813,500 doses COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.     Ang nasabing bakuna ay bahagi ng binili ng gobyerno mula sa COVAX facility nitong Linggo ng umaga.     Sa kabuuan ay mayroon ng 16.63 million doses na Pfizer ang natanggap ng bansa.     Sa nasabing bilang ay 10.63 million […]

  • Import at export ng mga produkto ng Unilever sa Russia, suspendido na rin

    SINUSPINDE na rin ng kumpanyang Unilever ang lahat ng import at export ng mga produkto nito sa Russia.     Ito ay bilang pakikiisa ng nasabing food and consumer giant sa panawagang tuldukan na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasabay ng pag-asa nito na mananaig pa rin sa huli ang kapayapaan, karapatang […]