• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50th MMFF, paghahandaan na ng MMDA: VILMA at CEDRICK, aabangan kung magwawagi uli sa ‘Manila International Film Festival’

KINUMPIRMA ni MMDA chairman Atty. Romando Artes na noong ika-7 ng Enero, ang opisyal na pagtatapos sana ng 49th Metro Manila Film Festival, ang 10 pelikulang pinalabas ay sama-samang nakapagtala ng P1.069 bilyon, na kinabog ang dating record na hawak noong 2018 edisyon ng taunang pagdiriwang.

 

 

 

Ang 44th MMFF ay nakapagtala ng collective box office na P1.061 bilyon sa halos 1,200 na mga sinehan, samantalang ang 2023 na edisyon ay napanood lamang sa 800 na mga sinehan dahil ang iba ay nananatiling sarado pa rin dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

 

At dahil extended nga ang record-breaking MMFF hanggang January 14, inaasahan nilang baka umabot pa sa P1.2 billion ang kabuuang kita ng filmfest.

 

 

 

Kaya masasabi talaga na malaking tagumpay ng 2023 MMFF, dahil sa kalidad ng mga pelikulang napili ng mga hurado. Kahit na 10 ito kumpara sa dating 8, talagang magaganda ang mga pelikula, maayos ang pagkakagawa, kaya patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.

 

 

 

Pagkatapos nito, ay isa pang malaking project ang bibigyan ng MMDA, ito ay ang Manila International Film Festival, na gaganapin sa Los Angeles mula Enero 29 hanggang Pebrero 2; lahat ng 10 MMFF 2023 na pelikula ay nakatakdang ipalabas doon.

 

 

 

Magkakaroon din ito ng sariling awards night na gaganapin sa ika-7 ng Pebrero. Kaya inaasahan ang pag-attend ng mga artista, director at iba bahagi ng 10 filmfest entries. Kaya kaabang-abang kung sinu-sino ang magwawagi lalo na sa Best Actor at Best Actress category.

 

 

 

Muli kayang makasungkit ng award sina Vilma Santos at Cedrick Juan?

 

 

 

Sa tanong kung magkakaroon ng 2nd Summer MMFF sa buwan ng Abril, isinantabi na muna ito ng MMDA dahil magiging abala sila sa paghahanda sa 50th Metro Manila Film Festival.

 

 

 

Dahil dito, umaasa si Artes na ang mga production company ay magpapatuloy sa pagbibigay ng mga de-kalidad na pelikula sa buong taon, lalo na sa nalalapit na 50th MMFF.

 

 

 

Pahayag pa ni Artes sa magiging host city ng ‘Parade of the Stars’ para sa ginintuang selebrasyon, “gusto naming ibalik sa Manila, kung saan nagsimula itong film festival, gusto naming maging nostalgic.

 

 

 

“‘Yung walking down the memories, that’s why meron tayong ‘Sine 50’, para ipakita ‘yung mga nakaraang pelikula.

 

 

“Ganun din yun sa parade ay gagawin sa Maynila, at ‘yung awards night, nag-usap na kami ni Mayor Honey Lacuna na gagawin sa Metropolitan Theater.

 

 

“Na kung saan doon ginanap ang awards night ng unang MMFF.”

 

 

 

Nagpaplano rin pala ang MMDA ng coffee table book bago ang 50th MMFF, sa pakikipag-ugnayan sa FDCP, ay nagpaplano ng nationwide screening ng mga nangungunang MMFF films mula sa huling 50 taon para sa mga tiket na nagkakahalaga ng P50, ito nga yun ‘Sine 50’.

 

 

 

“Para ipakita sa ating mga kababayan noong araw pa ay nakakapag-produce tayo ng dekalidad ng pelikula,” dagdag pa ni Artes.

 

 

 

Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Tirso Cruz III ay humingi ng tulong sa MMDA bilang kapalit ng Summer MMFF, ay isagawa ang kanilang flagship project na ‘Pista ng Pelikulang Pilipino’, na ika-7 taon ngayong 2024.

 

 

 

Sa 2023 MMFF ay napanalunan ng “Firefly” ang 1st Best Picture habang ang historical drama na “GomBurZa” ay nanalo ng pinakamaraming parangal na may pitong kabilang ang 2nd Best Picture, Best Director para kay Pepe Diokno, at Best Actor para kay Cedrick Juan.

 

 

 

Samantalang ang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera pa rin ang top-grosser ng 2023 MMFF. Ito rin ang first movie na naka-abot sa 600 million mark at pangatlo na sa highest-grossing Philippine films.

 

 

Nangunguna pa rin sa listahan ang “Hello Love, Goodbye” (2019) with P881 million, kasunod ang 2018 film na “The Hows of Us” na may kinitang P810 million.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Administrasyong Marcos, nangako ng ‘safe, secure environment’ para sa media workers

    COMMITTED ang administrasyong Marcos na magbigay ng “safe and secure environment”  sa  Philippine press.     Sinabi ni  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Paul Gutierrez na ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay bilang suporta sa patuloy na operasyon ng task force sa ilalim ng kanyang liderato.     […]

  • China, palalakasin ang pagkilos sa South China Sea- eksperto

    INAASAHAN na ng isang international security expert na hindi magtatagal ay mas lalong palalakasin at paiigtingin ng China ang pagkilos nito sa South China Sea.     Layon ng magiging pagkilos ng China ang makontrol ang malaking bahagi ng pinagtatalunang katubigan.     Matatandaang, kamakailan lamang ay naging matagumpay ang pinakahuling resupply mission ng Pilipinas […]

  • 4 na cabinet members ni British PM Johnson nagbitiw

    NAGBITIW sa kanilang puwesto ang apat na senior aides ni British Prime Minister Boris Johnson.     Kasunod ito sa pressure dahil sa mga kontrobersiyang kinakaharap ni Johnson.     Kinabibilangan ito nina director of communications Jack Doyle, policy head Munira Mirza, chief of staff Dan Rosenfield at senior civil servant Martin Reynolds.     […]