51-anyos na tulak, kalaboso sa P204K shabu sa Valenzuela
- Published on November 28, 2024
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Nelson”, 51, (SLI/pusher) at residente ng Caloocan City.
Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation nang magawa ng isa niyang tauhan na makipagtransaksyon sa suspek ng droga.
Nang tanggapin umano ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang pitong pirasong P1,000 boodle money kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:15 ng madaling araw sa Beside Liembest Lechon Manok, sa Gen. T De Leon Rd. Brgy. Gen. T De Leon,.
Ani P/Lt. Johnny Llave na nanguna sa operation, nakuha nila sa suspek ang anim pirasong plastic sachets na naglalaman ng nasa 30 grams ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money at 200 recovered money.
Sinabi ni PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)
-
Maynila, ginawaran ng ‘Excellence in Digital Public Service Award’
TUMANGGAP ng “Excellence in Digital Public Service” ng Gcash sa katatapos na Digital Excellence Awards ang Lungsod ng Maynila sa patuloy na pag-ani ng iba’t ibang anyo ng pagkilala sa ilalim ng pangangasiwa ni Mayor Honey Lacuna. Sinabi ni Lacuna na kinilala ng digital wallet service provider ang napakalaking pagtaas ng mga online […]
-
DOMINIC, ‘guwapong-guwapo sa sarili’ at masuwerte kay BEA ayon sa netizens; trending ang photo na magka-holding hands
TRENDING na naman dahil pinag-uusapan ang netizens ang photo na magka-holding hands sina Bea Alonzo at Dominic Roque, kasama ang isang kaibigan na kuha sa Japanese resto. Nag-viral din ang photo ng rumored couple nang makitang magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo, na tiyahin ni Dominic at malapit talaga sila. […]
-
Malakanyang, hindi sigurado kung ilalabas ni PDU30 ang drug list bago ang 2022 polls
HINDI sigurado ang Malakanyang kung ilalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang listahan ng narco-politicians bago pa ang May 9, 2022 national at local elections. “On whether the Chief Executive would release a list of candidates involved in illegal drug trade, we cannot second guess the President in this regard,” ayon kay acting […]