• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

512 Bulakenyong magsasaka, mangingisda, nagtapos mula sa Farmers’ Field School, mga kurso ng pagsasanay

LUNGSOD NG MALOLOS- Apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang nakakumpleto ng kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay, nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani, at tumanggap ng kanilang katibayan at inputs sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.

 

 

Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na buo ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga aspirasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., na siya ring Kalihim ng Kagawarang Pang-agrikultura, na patibayin ang industriya ng pagsasaka sa bansa.

 

 

Aniya, hinigpitan rin niya ang pagbabantay sa reklasipikasyon ng mga lupang agrikultura lalawigan na ginagawang komersiyal dahil parami nang parami ang mga lupa, kahit pa produktibo pa, ang ibinibenta ng mga may-ari.

 

 

“Nakita naman natin, ano ang naging mahalaga noong pandemya? Pagkain. Kaya napakahalaga po sa atin ng farming. Huwag nating hayaan na mawala ito sa Bulacan. Huwag nating hayaan na mabawasan pa, kasi unti-unti na pong nababawasan ang ating mga lupang sasakahin,” anang gobernador.

 

 

Pitumpu’t apat na magsasaka mula sa mga bayan ng San Miguel, San Rafael, at San Ildefonso ang natuto tungkol sa mga makabagong teknolohiya sa FFS on Vegetable Production; 91 magsasaka ng palay ang nakatapos na kanilang 14-linggo Climate Resilient Farm Business School FFS; at 26 pond operators mula sa Hagonoy ang tinuruan ng Provincial Agriculture Office katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 sa FFS on Polyculture of Shrimp and Tilapia in Brackishwater Pond using Greenwater Technology.

 

 

Dagdag pa rito, may kabuuang 321 magsasaka ang nakatapos ng 16-linggong Scaling the Adoption of Pest and Nutrient Management Technologies for Rice in Bulacan Province sa pangunguna ng Philippine Rice Research Institute.

 

 

Kahit natapos na ang pagsasanay, babantayan ng mga Agricultural Extension Worker ang mga nakapagtapos  upang makita ang aplikasyon nila sa kanilang mga natutunan, malaman ang bahagi ng kanilang mga natutunan sa kanilang kaalaman, at tulungan sila sa pagpapabuti ng kanilang produksyon at kita. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ads September 23, 2024

  • Sibuyas, nangungunang smuggled product sa Pilipinas – PNP

    INIHAYAG ng PNP na sa kabila ng iba’t-ibang mga pekeng produkto, ang pinakamaraming smuggled products na naitala sa Pilipinas ay produkto ng mga sibuyas.     Iniulat ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. na P137.6 milyong halaga ng sibuyas ang naipuslit sa bansa mula noong 2019.     Aniya, mula Enero 2019 hanggang Abril […]

  • LTO bibili ng breath analyzers sa pagtugis sa mga lasing na driver

    HANDANG bumili ang Land Transportation Office (LTO) ng dagdag na breath analyzers para sa kaligtasan ng lahat ng motorista sa bansa.     Ang naturang breath analyzers ay para sa full implementation ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Sa pamamagitan ng naturang analyzers ay madalian nang madedetermina ang isang motorista na lango sa […]