• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP at DILG, nanindigan sa ‘pagkaka-aresto’ ni Quiboloy at hindi simpleng sumuko

PINANINDIGAN ni Department of Interior ang Local Government(DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang terminolohiyang ‘naaresto’ bilang mas akma sa tuluyang pagkakasa-kustodiya ng mga otoridad kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.
Una kasing sinabi ng kampo ng KOJC na hindi naaresto si Quiboloy, bagkus, kusa siyang sumuko sa mga otoridad.
Pero giit ni Abalos, hindi siya simpleng sumuko. Posible aniyang naramdaman na ng kampo ng pastor ang pagdiin ng mga otoridad kayat tuluyan na siyang lumutang.
Ayon sa kalihim, napalibutan ng mga miyembro ng PNP ang compound kung saan siya nagtatago ng ilang araw at ito ang nagdiin sa kampo ng pastor upang lumabas na.
Paliwanag ni Abalos, kung ang pastor sana ay nasa ibang lugar at pinili niyang lumabas kahit hindi siya na-presure, maaari pa itong tawaging sumuko.
Para naman kay Police Regional Office 11 Director BGen. Nicolas Torre III, ang pagsuko ay mistulang pormalidad na lamang sa panig ng KOJC.
Marahil aniya ay mas magaan ito para sa kampo ng pastor, kayat mas pinipiling gamitin ang terminolohiyang ‘sumuko’ kaysa naaresto.
Gayunpaman, nanindigan ang heneral na kung hindi sana lumabas ang KOJC founder, tuluyan din itong matunton ng pulisya kasunod ng pagtatapos ng ultimatum na kanilang inilabas.
Other News
  • Nahulog sa motorsiklo, ginang pisak sa tanker truck

    NASAWI ang 54-anyos na housewife matapos magulungan ng malaking tanker truck makaraang mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa Valenzuela City, Linggo ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa katawa ang biktimang si alyas “Helen”, habang ligtas naman ang kanyang asawang si alyas “George” 57, kapuwa residente ng DM Compound, Heroes Del 96, Brgy., 73, Caloocan […]

  • Nievarez planado na laban

    BUO ang magiging balak ni Cris Nievarez sa kanyang laban sa pinandemyang 32nd Summer Olympic Games 2020 rowing men’s single sculls ngayong Biyernes ng umaga pa ang opening ceremonies sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa Maynila).     “Ang goal lang naman is makalapit sa kung sino man ang magli-lead and try to sustain […]

  • SHARON, nag-react sa #CuBao dahil mas type niya ang #MaRon sa team-up nila ni MARCO

    BENTANG-BENTA sa netizens ang pinost ni Direk Darryl Yap sa kanyang FB account VinCentiments na kung saan nag-last shooting day na pala sila ng Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta.     Kasama nga ni Sharon ang newest leading man niya na si Marco Gumabao sa naturang post na kinakiligan din ng netizens.   […]