• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

55 websites, ipinasara ng United States dahil sa illegal live streaming ng FIFA World Cup

LIMAMPU’T limang website ang nasamsam ng US Justice Department para sa ilegal na live-streaming na mga laban mula sa FIFA World Cup sa Qatar.

 

 

Ayon sa pahayag ng departamento, ang mga website ay isinara matapos matukoy ng isang kinatawan ng FIFA ang mga site na ginagamit upang ipamahagi ang nilalamang lumalabag sa copyright nang walang pahintulot ng soccer world governing body.

 

 

Ang FIFA lang kasi ay may hawak ng mga eksklusibong mga karapatan sa World Cup, na sa ngayon ay umabot na sa semi-final stage ng mga laban.

 

 

Dagdag dito, bagama’t marami umano ang maaaring naniniwala na ang mga naturang website ay hindi bumubuo ng mga seryosong banta, ang paglabag sa mga may hawak ng mga karapatan ng anumang intelektwal na ari-arian ng FIFA ay isang lumalagong banta sa kakayahan nilang pang-ekonomiya.

 

 

Una rito, hindi tinukoy ng US Justice Department ang mga nasamsam na website ngunit sinabing ang mga bisita sa mga site ay ire-redirect sa ibang site para sa karagdagang impormasyon ng biggest sporting event sa buong mundo. (CARD)

Other News
  • PH experts: Mix and match ng COVID-19 vaccines dapat ‘parehong platform’

    Hindi raw mamadaliin ng Pilipinas ang clinical trial para sa mix and match ng mga bakuna laban sa COVID-19.     Ayon sa Department of Health, nag-pulong na ang all expert panel ng ahensya matapos aprubahan sa Germany ang pagtuturok ng AstraZeneca at mRNA vaccines bilang una at ikalawang dose.     Paliwanag ni Health […]

  • LIZA, nagdurugo ang puso para sa mga Pinoy na apektado ng pandemya; may sagot sa pumuna sa kanyang tweets

    SIGURO nga, expected na ‘yung mga DDS o loyalista ng Pangulo ng bansang Pilipinas ay against sa naging tweet ni Liza Soberano.       Pero mas marami ang saludo sa Kapamilya actress. Mas marami ang nagsasabing “sana all” ay Liza Soberano.     Hindi lang siya beauty at talents, may brain at may compassion talaga […]

  • NAVOTAS NAMIGAY NG BIGAS, MANOK SA 80K FAMILIES

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng limang kilong bigas at isang buong manok sa bawat pamilyang Navoteño bilang bahagi sa pagdiriwang ng lungsod ng ika-116 na anibersaryo ng pagkakatatag nito.     Pinangunahan nina Mayor Toby Tiangco, Congressman John Rey Tiangco at mga barangay opisyal ang unang araw ng pamimigay ng 116th Navotas Day […]