56% ng mga Pinoy, nagpahayag na ang “complicated rules” ang hadlang sa pagpasok ng foreign investments
- Published on May 10, 2024
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 56% ng mga Filipino ang naniniwala na ang komplikadong “rules and regulations” gaya ng red tape at pagbabago sa mga government policies and regulations, ang mga pangunahing dahilan kung bakit dismayado ang mga dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas.
Ito ang lumabas sa ginawang survey ng Pulse Asia noong nakaraang March 6 hanggang 10, nakasaad na ang pangalawang dahilan ay ang ‘restrictive rules’ sa foreign ownership na may 55%, sumunod ang korapsyon sa public sector na may 46%.
Ang iba pang dahilan na tinukoy ng mga respondent ay kinabibilangan ng kakapusan ng transport infrastructure na may 40%, mataas na singil sa kuryente na may 37%, hindi sapat na telecommunications infrastructure na may 32%, at kulang na insentibo para sa mga investors na may 21%.
Tanging 2% naman ng mga respondent ang tumanggi na magbigay ng kanilang sagot.
Gayundin, 64% ng mga respondent ang naniniwala na ang pag-alis sa restriksyon sa mga foreign investments ay magreresulta ng pagtaas ng “high quality jobs na may mataas na sweldo at magandang benepisyo.”
Samantala, 56% naman ng mga respondent ang nagsabi na ang dagdagan ang foreign capital ay makakapag- improve sa serbisyo sa iba’t ibang sektor habang 55% ang nagsabi na magreresulta lamang ito ng foreign capital na madodominahan ang local investors at mga negosyo.
Mayroon namang 54% ang nagsabi na ang pag-alis sa restriksyon laban sa foreign investors o businesses ay makapagbabawas sa presyo ng mga kalakalan aht serbisyo habang 43% naman ang nagsabi na hindi malayong maglagay sa panganib ang national security.
Sa kabilang dako, mayroon namang 5% ang hindi masabi kung ano ang magiging resulta ng pagdaragdag sa foreign capital.
Ang mga resulta na inilabas ng Pulse Asia ay kahalintulad sa March 2024 poll na kinomisyon ng Stratbase-Albert del Rosario Institute na naghahayag na 88% ng mga filipino ay kontra sa 1987 Constitution “ngayon mismo.”
Samantala, sa ipinalabas na kalatas ng Pulse Asia, araw ng Martes, na ang mga kaakibat na tanong sa mga dahilan na humahadlang sa foreign investment at posibleng may kinalaman sa pagtaas ng foreign capital ay idinagdag ng tratbase-Albert del Rosario Institute bilang karagdagan sa tanong ng Pulse Asia sa kasalukuyang panukala para sa pagbabago sa Saligang Batas.
“We offer a brief description of the results of these rider questions since they have been publicized or were partially cited in a commentary by a Stratbase-ADRI official. The results of the Stratbase-ADRI rider questions clearly indicate that the public has a much more nuanced view of issues relating to the lifting of the restrictive provisions of the 1987 Constitution,” ayon sa Pulse Asia.
“The above results indicate that the public is keenly aware of the factors that deter the entry of foreign capital, including those that have nothing to do with the lifting of the restrictive provisions in the Constitution,” dagdag na pahayag ng Pulse Asia.
Dagdag pa rito, tinuran ng Pulse Asia na ang resulta ng survey ay nagpapatunay lamang na nakikita ng publiko ang negatibo at positibong kahihinatnan ng pag-alis ng restriksyon sa foreign investors na nakapaloob sa ilalim ng Konstitusyon.
“Together, these results explain the unfavorable position of a significant majority of Filipinos to the moves to remove the provisions in the 1987 Constitution that limit foreign involvement in specific economic and social sectors,”ayon sa Pulse Asia.
Ang Pulse Asia poll ay ginawa gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may 18 taon at pataas. Mayroon itong ± 2.8% error margin na may 95% confidence level.
“Subnational estimates for the geographic areas covered in the survey have the following error margins at 95% confidence level: ± 5.7% for Metro Manila, the rest of Luzon, Visayas, and Mindanao,” ayon sa Pulse Asia. (Daris Jose)
-
Negative antigen test para sa mga int’l travelers, pinapayagan na ng Pinas-IATF
PINAPAYAGAN na ng Pilipinas ang mga foreign travelers at returning Filipino na mag-presenta ng negatibong resulta ng laboratory-based antigen test sa kanilang pagdating sa bansa. Ang pinakabagong hakbang na ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay sa gitna na rin ng pagpapaluwag sa coronavirus disease 2019 […]
-
Pangako ni PBBM, susuportahan ang PCG modernization
SUSUPORTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak at modernisasyon ng Philippine Coast Guard’s (PCG). Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika- 121 founding anniversary ng PCG sa Port Area, Manila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo na maraming mga bagong gampanin ang mga miyembro ng coast […]
-
Silent protest ikinasa ng San Lazaro medical frontliners
Nagsagawa ng silent protest ang San Lazaro Hospital noong Huwebes, July 16 sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang mga sapatos sa harapan ng ospital. Sa ulat, humihingi ang frontliners ng sapat na suplay ng personal protective equipment (PPEs) at kanilang mga sweldo habang sila ay naka-mandatory […]