- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
Mahaharap sa matinding hamon ang Philippine men’s football team para sa AFC Asian Cup Saudi Arabia 2027 Qualfiers sa susunod na taon.
Sa isinagawang draw nitong araw ng Lunes sa AFC House sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nahanay ang Pilipinas sa Tajiksitan, Maldives at Timor-Leste para sa third at final round ng qualifiers na sisimulang lalaruin sa Marso 2025.
Unang makakaharap nila ang Maldives sa Marso 26 at Nobyembre 18, 2025 na susundan ng Tajikistan sa Hunyo 10, 2025 at Marso 31, 2026 at Timor Leste sa Oktubre 9 at 14 , 2025.
Ang Grupo B naman ay binubuo ng Lebanon, Yemen, Bhutan at Brunei Darussalam habang ang Group C ay binubuo ng India, Hong Kong, Singapore at Bangladesh at ang Group D naman ay binubuo ng Thailand, Turkmenistan, Chinese Taipei at Sri Lanka.
-
Mega quarantine facilities para sa COVID-19 cases nasa ‘danger zone’ na – DOH
Nasa warning zone na rin daw ang estado ng bed capacity sa mga temporary treatment and monitoring facilities sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, katumbas ito ng 30 hanggang 70-percent occupancy rate sa kama ng naturang mga pasilidad na hawak ng local government units. […]
-
Sports na arnis kabilang na sa medal event sa 32nd SEA Games
SA PAGKAKATAON ang Filipino martial arts na arnis ay kabilang na sa medal event ng 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa Mayo 2023. Isa kasi ang arnis na isinama sa 49 sports at 608 events na inanunsiyo ng Philippine Olympic Committee. Labis naman na ikinatuwa ni Senate President […]
-
Mayor John Rey Tiangco, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa International Coastal Clean-up Day
SA pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas. (Richard Mesa)