571 COVID-19 case kada araw sa SoKor, kinumpirma
- Published on March 2, 2020
- by @peoplesbalita
KADA araw ay nakakapagtala ng aabot sa 571 kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa South Korean Centers for Disease Control and Prevention.
Ang 571 cases ay kinumpirma ng SoKor nitong Biyernes (February 28) ng hapon, kabilang na ang 256 kaso na inanunsiyo ng umaga sa parehong petsa.
Dahil dito ay nakapagtala ng national total na 2,337 cases, na sinasabing pinakamalaki at pinakamalawak na ‘outbreak’ sa labas ng mainland China.
Sa report, ang nasabing numero ng mga kaso na kinumpirma ay mas mataas ng 67 kumpara nitong Huwebes na nakapagtala lamang ng 505 cases.
Batay sa huling tala, ang tinamaan ng outbreak ay kinabibilangan ng isang military personnel, dahilan upang umabot sa total na 26 ang nakumpirmang kaso sa South Korean military.
Wala pa namang napaulat na namatay kaya nanatili sa bilang na 13 ang naitalang national death toll.
Nabatid na sa 571 bagong kaso, 447 ay mula sa Daegu, kung saan naka-concentrate o epicenter ng outbreak.
Karamihan sa naitalang mga kaso ay naka-link sa religious group sa lungsod.
-
Ads August 31, 2021
-
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian explains the key points on agency’s welfare and development programs
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian explains the key points on agency’s welfare and development programs which were highlighted in the 3rd State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand R. Marcos Jr, during the Post-SONA Discussions in Pasay City on Tuesday (July 23). Secretary Gatchalian joined other Cabinet secretaries […]
-
Kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model
Biglang naging kuya ng mga bagong Kapuso stars si Kristoffer Martin sa lock-in taping nila ng aabangan na teleserye titled Babawiin Ko Ang Lahat. Nanibago raw si Kristoffer dahil nasanay siyang mga kaedad niya o mas may edad sa kanya ang mga nakakatrabaho niya sa teleserye. Ngayon daw ay tawag sa kanya ay “kuya” […]