5,754 karagdagang contact tracers idedeploy sa Metro Manila-DILG
- Published on May 4, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatakdang mag-deploy ang pamahalaan ng 5,754 na karagdagan pang contact tracers sa Metro Manila kasunod na rin ng surge ng COVID-19 cases sa rehiyon.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, lumagda na sila ng kasunduan, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Metro Manila Development Authority (MMDA) para rito.
Sa ilalim aniya ng kasunduan, ide-deploy ang mga naturang contact tracers sa loob ng tatlong buwan, na may minimum wage na P537 kada araw.
Sa ngayon aniya ay mayroon 13,304 aplikante at 2,696 sa mga ito ang kuwalipikado sa posisyon.
“Simula na ng kanilang pagtatrabaho bilang contact tracers at simula na rin ng dagdag na alalay at pag-asa para sa ating mga kababayan na makakabangon tayong muli mula sa pandemyang ito,” ani Año.
Nabatid na sa 5,754 bagong contact tracers, pinakamarami ang itatalaga sa Quezon City na nasa 1,347.
Nasa 713 naman ang itatalaga sa Caloocan City; 707 sa Maynila; 349 sa Pasig; 333 sa Taguig; 302 sa Parañaque; 278 sa Valenzuela; 259 sa Makati; 234 sa Muntinlupa; 268 sa Las Piñas; 209 sa Marikina; 192 sa Pasay; 171 sa Mandaluyong; 161 sa Navotas; 152 sa Malabon; 47 sa San Juan at 32 sa Pateros.
Matatandaang sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na naglaan sila ng P280.714 milyon para sa pagkuha ng mga bagong contact tracers, sa ilalim ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Worker (TUPAD) Program. (Gene Adsuara)
-
Ads January 10, 2024
-
Mahigit 9K balota para sa local absentee voting, naisumite na sa Comelec
AABOT na sa mahigit 9,105 nakumpletong balota para sa local absentee voting ang natanggap ng Commission on elections (Comelec). Ang partial reports sa bilang ng accomplished ballots para sa local absentee voting na natanggap ng Reception and Custody Units ay mula sa Philippine Army (926), Philippine Air Force (1,731, Philippine National Police (3,929) […]
-
Pinoy top challenger Magsayo at WBC champ Russel Jr nagkaharap sa final presscon bago ang big fight
NAGKAHARAP kanina sa final press conference sina WBC featherweight world champion Gary Russell Jr at ang wala pang talo at top Pinoy challenger na si Mark “Magnifico” Magsayo bago ang big fight sa Linggo. Ginanap ang harapan ng dalawa sa Borgata Hotel Casino & Spa sa Atlantic City sa New Jersey. […]