• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease wala ng VAT–BIR

WALA ng kokolektahing Value Added Tax (VAT) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis at Kidney Disease.

 

 

Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular 72-2023 na nagsasaad ng exemption sa VAT sa ilang gamot sa naturang mga karamdaman.

 

 

Ang hakbang ay alinsunod naman sa talaan ng VAT-Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 (TRAIN Law) at RA 11534 (CREATE Act).

 

 

Sinabi ni Lumagui na ang hakbang ay magpapagaan sa gastusin ng mga mamamayan na mayroong naturang mga sakit.

 

 

Ipinagmalaki ni Lumagui na ang BIR ay isang ahensiya ng pamahalaan na hindi goal-oriented pero service-oriented.  (Ara Romero)

Other News
  • PANGANIB NG DENGUE FEVER

    NAGBABALA ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko sa mga panganib ng dengue fever ngayong tag-ulan at pinayuhan ang mga Pilipino na mag-ingat, gayundin na makipagtulungan sa mga interbensyon sa kalusugan upang maiwasan ang mga hotspot.     Paalala ng  PRC sa publiko na sundin ang “4S” protocol laban sa dengue: search and destroy, self-protection […]

  • Nagpaabot ng tulong ang Senator Pacquiao Foundation sa 3,000 biktima ng pagbaha sa Rizal

    Personal na binisita ni Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao ang ating mga kababayang Rizaleño mula sa San Mateo, Montalban at Brgy Mayamot sa Antipolo na napinsala ng bagyong Ulysses.   Nagpaabot ng tulong ang Senator Pacquiao Foundation sa 3,000 biktima ng pagbaha. Ang bawat isa ay tumanggap ng family packs na naglalaman ng mga pagkain […]

  • Paris Olympics: South Sudan basketball team, sasabak sa laban kontra NBA superstars

    MULING maghaharap ang Team USA at Team South Sudan sa ilalim ng preliminary elimination sa Paris Olympics 2024.           Maaalalang nagkaharap ang dalawa sa exhibition games bago ang opisyal na pagsisimula ng Olympics kung saan naging pahirapan para sa US na ipanalo ang laban dahil na rin sa magandang depensa at […]