• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5k healthcare workers na mangingibang- bansa para magtrabaho, simula na sa Enero 1, 2021

NAKATAKDANG magsimula sa Enero 1, 2021 ang bagong polisiya ng pamahalaan na pinapayagan ang 5,000 healthcare workers  na mangingibang- bansa para  magtrabaho kada taon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aralan nina Pangulong  Rodrigo Roa Duterte at ng COVID-19 task force  ang nasabing usapin.

 

“Ipinairal ang balancing of interests kung saan tiningnan ang pangangailangan sa bansa ng nurses, nursing assistants, nursing aides habang ikinunsidera rin ang pagkilala ng talento ng mga Pilipino sa ibang bansa at demand sa ating mga kababayan sa ibayong dagat,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng mga opisyal ng pamahalaan na alisin ang temporary suspension ng overseas deployment ng mga nurses at iba pang  health workers  sa gitna ng  COVID-19 pandemic.

 

Ani Sec. Roque, ang pagbawi sa deployment ban ay alinsunod sa polisiya ng pamahalaan  na “promoting full employment, rising standard of living, and improving the quality of life for all.”

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang 5,000 na bilang ng mga health workers ay maaaring madagdagan kapag naging mas maayos pa ang sitwasyon ng bansa laban sa  COVID-19.

 

“Nagkaroon naman po ng kasiguraduhan ang DOH [Department of Health] na sapat po ang ating mga health professionals dito sa Pilipinas,” ayon kay Sec. Roque.

 

Nauna rito, kinumpirma  Department of Labor and Employment (DOLE) na binawi na ni Pangulong Duterte ang “deployment ban” sa mga nurses at iba pang health workers sa ibayong dagat,

 

Ayon kay Sec. Roque, ang lifting ng ban ay “effective imme­diately” kaya’t maaari nang makaalis ang libong nurses at medical workers na nag-aasam na makapagtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic.

 

Gayunman, nilinaw ng Kalihim  na 5,000 health workers lang ang pinapayagang ma-deploy sa ibang bansa kada taon upang matiyak na ang Pilipinas ay may sapat pang medical professio­nals lalo na ngayong ang bansa ay pangalawa sa may pinakamataas na bilang COVID-19 cases sa Southeast Asia.

 

Sa nakaraang desis­yon, pinayagan lamang ni Duterte ang health professionals na may kumpleto nang employment documents at visa hanggang Agosto 31 na makaalis ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • MGA manlalaro ng ABL naglulundagan sa PBA

    WALANG katiyakan pa kung kailan magbabalik ang ASEAN Basketball League (ABL) kaya napipilitang magtalunan ang player nito sa nakatakdang Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa Marso 14.   Pinakabagong lumayas sa regional league at nagsumite ng application form nito lang isang araw kasama ang kanilang agent-manager na si Charlie Dy sina […]

  • Sa halip na tumakbong senador: ISKO, gustong maglingkod uli bilang mayor ng Maynila

    NAKATAKDANG magtapos ngayong Biernes ang “Pira-Pirasong Paraiso” kung saan isa sa mga bida si Elisse Joson .    Kuwento pa ni Elisse sa mediacon ng nasabing serye ng Kapamilya network na super enjoy daw siya sa kanyang pagiging kontrabida bilang si Hilary.   “It was so fun and very personal that I was able I […]

  • Jesus; Matthew 7:7

    Ask, and it will be given to you.