5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023
- Published on August 2, 2023
- by @peoplesbalita
INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon.
Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan.
Una na rin aniyang tiniyak ng Banner Plasticards, Inc. na magagawa nila ang nasabing serbisyo, bago pa man pumirma ng kontrata.
Ayon kay Mendoza Jr, sapat na ang 500,000 plastic cards kada buwan upang matugunan ang backlog na hanggang sa 900,000 driver’s license cards.
Ang karagdagang supply ang magsisilbing stock na aniya ng LTO.
Maaalalang nitong nakaraang linggo ay tinanggap na ng Department of Transportation ang kabuuang 5,000 plastic cards mula sa Banner, bilang paunang supply ng plastic cards sa bansa. (Daris Jose)
-
Ads August 16, 2024
-
PBBM, nasa Washington, DC para sa Trilateral meeting
DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Washington, DC, Miyerkules ng gabi kasama ang delegasyon ng Pilipinas para sa trilateral meeting kasama ang Estados Unidos at Japan. Dumating ang eroplanong lulan ang Pangulo kahapon ng alas- 7:47 ng gabi sa Joint Base Andrews sa Maryland kung saan ay mainit siyang sinalubong […]
-
1 Corinthians 4:7
What have you that you did not receive?