• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 dagdag na benepisyo sa health workers isinulong

Makakakuha ang frontline health workers ng anim na dagdag na benepisyo tuwing may public health emergency, kapag naisabatas ang panukalang isinumite ni Sen. Kiko Pa­ngilinan.

 

 

Layon ng “Health Wor­kers Protection During Public Health Emergencies Act” ni Pangilinan na pagtibayin ang dagdag na benepisyo para sa public at private health care workers na may direktang contact sa mga taong may sakit tuwing may public health emergencies.

 

 

Layon ng panukala na magbigay ng buwanang Special Risk Allowance sa kabuuan ng State of National Emergency at Active Hazard Duty Pay na hiwalay sa hazard pay na ibinibigay sa ilalim ng Republic Act No. 7305 o the Magna Carta of Public Health Workers.

 

Ang Active Hazard Duty Pay ay katumbas ng 25 porsiyento ng arawang sahod ng healthcare worker batay sa bilang ng araw na sila’y nagreport sa trabaho.

 

 

Kabilang sa iba pang benepisyo ay ang libreng gastusin sa pagpapagamot kapag nahawa o nagtamo ng pinsalang may kinalaman sa trabaho ang health worker, bayad sa mga mahahawa habang naka-duty; libreng life insurance, transportation at pagkain; at supply ng Personal Protective Equipments at libreng at regular na health testing.

 

 

Ang kompensasyon kapag nagkasakit ay mula P15,000 kapag mild o mo­derate ang karamdaman, P100,000 kapag malala o kritikal at P1 milyon kapag pumanaw ang health worker.

Other News
  • P200 monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, aprubado na

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilyang filipino para sa buong taon para pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekumendasyon […]

  • Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets

    MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China.     Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng LInggo.     Sa tanong kung ano ang kanilang […]

  • Sotto magpapalakas pa!

    AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito.     Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila.   […]