• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 drug suspects nalambat sa Navotas buy bust, higit P.4M droga nasabat

NASAMSAM ng pulisya sa anim na tulak ng ilegal na droga, kabilang ang dalawang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P.4 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang mga naarestong suspek na si alyas May-May, 42, at alyas Noel, 37, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Ayon kay P/Capt. Luis Rufo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni ‘May-May’ kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang report, agad ikinasa ni Capt. Rufo ang buy bust operation matapos magawa umano nilang makipagtransaksyon sa suspek ng P4,000 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-11:12 ng gabi sa Gov. Pascual St., Brgy. Daanghari, kasama ang kanyang kasabwat na si ‘Noel’.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 53.51 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P363,868.00, buy bust money na isang P1,000 bill, kasama ang tatlong P1,000 boodle momey at coin purse.

 

 

Nauna ng natimbog ng SDEU sa magkahiwalay na buy bust operation sa Dela Cruz St., Brgy. San Roque at Kanduli St., Brgy. NBBS Dagatdagatan sina alyas Aya, 40, alyas Jr, 25, alyas Ungas at alyas Batak kung saan nasamsam sa kanila ang mahigit P95K halaga ng shabu.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Navotas police sa kanilang matagumpay na operation kontra iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • BAGONG KASO NG DELTA VARIANT NATUKOY

    KINUMPIRA ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na 319 bagong kaso pa ng Delta variant ang natukoy sa  pinakahuling genome sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center nitong September 18.       Bukod dito nakapagtala rin ng 13 na bagong kaso ng Alpha variant at 9 na bagong kaso ng Beta variant     […]

  • Ads September 14, 2022

  • COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon

    Nag-abiso na ang Department of Energy (DOE) sa ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7.     “Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga […]