• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 Pinoy galing India COVID-19 positive nang i-quarantine dahil sa ‘new variant’ scare

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang ilang kataong inooberbahan nila kaugnay ng kinatatakutang bagong variant ng sakit.

 

 

Hanggang ika-14 ng Mayo magpapatupad ng “travel ban” sa India matapos kumalat doon ang B.1.617 COVID-19 variant na sinasabing mas nakahahawa. India rin ang nakapagtatala ng may pinakamatataas na daily COVID-19 cases sa buong mundo nitong mga nakaraang araw.

 

 

“May mga dumating sa atin — katulad ng nabanggit namin sa inyo noong isang linggo — na merong mga pasaherong either [merong] touchpoint doon sa India, nag-pass through sila [roon] or galing sila talaga roon and they are currently quarantined,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

 

 

“So tinitingnan natin itong mga ito. Once may magpositive sa mga samples nila, we are going to subject this to the whole genome sequencing process.”

 

 

Sa kabila niyan, wala pa rin naman daw natutukoy sa mga samples noong nakaraang linggo na nakikitaan ng nasabing variant: “Kaya nga po we are trying to strengthen our border control implementation para ma-avoid po natin itong mangyayari sa atin,” dagdag ni Vergeire kanina.

 

 

Una nang sinabi ni Rontgene Solante, na nangunguna sa adult infectious diseases unit ng San Lazaro Hospital, na ilan lang ang mas nakahahawang B.1.617 at pagluluwag uli sa India ang mga dahilan kung bakit pumapalo uli ang mga kaso roon.

 

 

India rin sa ngayon ang ikalawa sa may pinakamataas na COVID-19 cases sa buong mundo sunod sa Estados Unidos sa bilang na 19,557,457, ayon sa World Health Organization (WHO).

Other News
  • Kontrata ni Bryant sa Nike tinapos na ng kampo nito

    Tinapos na ng kampo ni NBA legend Kobe Bryant ang kontrata nito sa Nike.     Nagdesisyon ang asawa ng pumanaw na Los Angeles Lakers star na si Vannessa Bryant at ang abogado nito na hindi na nila ire-renew ang partnership nila matapos na ito ay magpaso noong Abril 13.     Sinabi nito na […]

  • Pabilisin ang national ID system, mandato ni PDu30

    MANDATO talaga  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pabilisin ang national ID system sa bansa.   Nais kasi ng Pangulo na tuluyan nang mawala ang panloloko at pandaraya ng ilang tiwaling opisyal makapagbulsa lamang ng pera mula sa kaban ng bayan.   “Dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung […]

  • Robredo camp sa electoral protest: ‘Matagal nang talo si Marcos; tapusin na natin ito’

    UMAASA ang kampo ni Vice President Leni Robredo na paninindigan ng Supreme Court, bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang desisyon nito sa election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.   Nitong araw nang atasan ng PET ang Commission on Elections (Comelec) at Office of the Solicitor General na maghain ng komento sa mga nakabinbin pang […]