• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

60-anyos retirement age sa DepEd employees, isinulong

PARA masuportahan ang pamahalaan sa plano na i-streamline ang burukrasya, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero ang panukalang gawing mandatory ang ­pagreretiro ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa edad na 60-anyos mula sa kasalukuyang 65 taong gulang.

 

 

Sa Senate Bill no. 58 o ang New Department Retirement Act na inihain ni Escudero, sakop nito ang lahat ng regular na kawani ng DepEd kabilang ang mga guro sa pampublikong paaralan na umaabot na sa 800,000 sa kasalukuyan.

 

 

Sakaling maging ganap na batas, mabebenipisyuhan nito ang libu-libong retireable DepEd personnel na nasa teaching at non-teaching na gustong gamitin pa ang mga natitira nilang panahon sa ibang trabaho bukod sa kanilang nakagawian na trabaho sa gobyerno.

 

 

Idinagdag pa ng Senador na chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, mas dapat na bigyan ang mga kawani ng gobyerno na magkaroon ng mahaba-habang panahon para sa kanilang pamilya.

 

 

Nakasaad naman sa panukala na maaaring payagan ang mga kawani ng DepEd na ituloy ang kanilang serbisyo hanggang sa umabot ang kanilang edad sa 65 kung siya ay may 15 taon nang serbisyo sa departamento.

Other News
  • Pinas, nakahanda sa posibleng Anthrax outbreak-DA

    TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na nakahanda ang Pilipinas para sa anumang posibleng anthrax outbreak sa bansa.     Siniguro rin ng departamento na ang Bureau of Animal Industry (BAI) ay may kakayahang mag-produce ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.     auna rito, ipinag-utos ng Thailand na mahigpit na bantayan ang […]

  • Eala pasok na sa main draws ng W80 Poltiers tournament sa France

    NAKAPASOK  sa main draw ng W80 Poltiers tournament sa France si Pinay tennis player Alex Eala.     Ito ay matapos talunin niya ang dalawang French players sa magkasunod na sets sa qualifiers.     Tinalo nito sina Diana Martynov at Astrid Cirotte sa score na 6-1, 6-2.     Sa qualifying second round ay […]

  • Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte

    SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”     Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.     Post naman ng aktres […]