60 bangkay ng PDLs inilibing sa NBP cemetery
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
ANIMNAPUNG bangkay ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na matagal nang nakalagak sa isang punerarya ang pinalibing na ng Bureau of Corrections (BuCor), sa New Bilibid Prison (NBP) cemetery sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.
Ang mga inilibing ay kabilang sa 176 na bangkay na matagal nang nakalagak sa Eastern Funeral Homes at nadiskubre lamang nang magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng isang Cristito Villamor Palaña, isa sa sinasabing middlemen sa pamamaslang sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid Mabasa.
Nagdaos muna ng misa bago tuluyang inilibing ang mga bangkay na inilagay sa kahoy na ataul at ipinasok sa mga nitso.
Una nang ipinalibing ang 10 bangkay nitong buwang ito.
Nabatid na ang mga nailibing ay nasa advance state of decomposition na kabilang ang mga nasawi ng Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang, 60 pang mga bangkay ng PDLs ang nakatakdang ipalibing sa Disyembre 2.
Sinabi naman ni BuCor Senior Supt. Ma. Cecilia Villanueva ng Directorate for Health and Welfare Services na ang 40 pang bangkay ay maiiwan sa Eastern Funeral Homes.
“May I make mention po na kaya po merong unclaimed may mga dumadating pong relatives, hindi na po talaga kine-claim yung body, kinukuha na lang po yung death certificate,” ani Villanueva.
Sa kabila ng may 90 araw na palugit para sa pag-claim ng bangkay, wala pa rin aniyang pumupuntang kamag-anak ang mga nasasawing PDLs.
-
‘Heartbeat’ ni Quiboloy na-detect sa underground bunker ng KOJC
TIWALA ang Philippine National Police (PNP) na bilang na ang araw ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa underground bunker ng KOJC Compound matapos na ma-detect ang ‘heartbeat’ nito. Ayon kay PNP Region XI spokesperson Catherine Dela Rey, na-detect ang heartbeat ni Quiboloy matapos na […]
-
MM mayors wala pang rekomendasyon sa IATF
Wala pang nabubuong consensus ang mga alkalde sa Metro Manila kung kanila bang irerekomenda o hindi ang pagpapalawig nang modified enhanced community quarantine status (MECQ) sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos Jr., maraming kinukonsidera sa kanilang magiging desisyon ang mga alkalde sa NCR kabilang na […]
-
DBM, ipinalabas ang P875-M para punan ang QRF ng DSWD
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P875 million para punan ang Quick Response Fund (QRF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang hakbang na ito ay alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tiyakin ang ‘disaster response at […]