• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

60-day price freeze sa mga lugar na sinalanta ni ‘Kristine’

NAG-isyu na ang Department of Trade Industry (DTI) ng 60-day price freeze sa mga pangunahing bilihin tulad ng mga de-lata, instant noodles, tinapay, gatas, kape kandila, sabon panglaba at asin gayundin ang bottled water sa mga lugar na idineklara na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa bagyong Kristine.

 

 

Paalala naman ng DTI na agresibo silang nagmomonitor kaya sinumang lalabag sa price freeze ay nahaharap sa parusang pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon o pagmumulta ng mula P5,000 hanggang P1 milyon.

 

 

Hinikayat din ng DTI ang mga consumers na i-report ang mga retailers, distributors at manufacturers na magbebenta sa itinakdang presyo.

 

 

Una rito, pinatutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DTI ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa lugar na nasalanta ni “Kristine”.

 

 

Sa pahayag ng Pangulo, dapat bantayan ng DTI kung sumusunod ang mga nagtitinda sa price control sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

 

‘’To blunt any attempt at profiteering, the DTI is monitoring compliance with the price control on selected goods imposed in all areas under the State of Calamity, in accordance with the law,’’ ayon kay Marcos.

 

 

Inatasan din ng Presidente ang DTI na siguruhin na tuluy-tuloy ang supply ng kalakal o kalakalan sa mga lugar na naapektuhan ng nasabing bagyo.

Other News
  • Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino, Bukás Na!

    BUKAS na ang Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino tuwing Miyerkoles ng bawat linggo mula 22 Pebrero hanggang 26 Abril 2023, 9:00 nu hanggang3:00 nh sa Bulwagang Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino, MalacañangComplex, Lungsod Maynila.     Tampok ang mga aklat na inilalathala ng KWF na naglalayong maabot ang mga Pilipino   sa   layunin   […]

  • PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka

    NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.     Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, […]

  • First time na gagawa ng teleserye: RONNIE, tinanggap ang offer dahil sa request ng namayapang ina

    FIRST time na tumanggap ng teleserye si Ronnie Ricketts dahil ito raw ang request sa kanya ng namayapang ina na si Edith Naldo-Ricketts.     Ayon kay Ronnie, lagi siyang pinipilit ng kanyang ina na gumawa ng teleserye na mapapanood niya dahil naka-base siya sa United States noon.     “Sabi niya, ‘Anak, I hope […]