• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

60 milyong Filipino, makikinabang sa libreng bakuna laban sa COVID

TINATAYANG aabot sa 60 milyong Filipino ang libreng mabibigyan ng gobyerno ng bakuna  laban  sa COVID -19 sa sandaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng susunod na taon.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson  Harry Roque, sa kanyang pagkaka- alam ay para sa 60 milyong mga Filipino ang free vaccine na inilalaan ng pamahalaan kabilang dito ang mga pulis at mga nasa militar ganundin ang mga frontliners at mga mahihirap.

 

Aniya, prayoridad ang mga  lugar sa tinaguriang epicenters gaya ng Metro Manila, CALABARZON, Cebu at  Davao gayung dito aniya talagang matinding kumalat ang sakit.

Tiniyak naman ni Sec. Roque  na mayroon din namang mga mabibiling bakuna sa botika para sa mga may kakayahang makabili ng pangontrang vaccine sa virus.

 

Sa kabilang dako, wala namang pilitan ang pagtuturok ng bakuna subalit naniniwala silang mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nais magpa-vaccine at base na rin ito sa isinagawang survey.

 

“Hindi po ito sapilitan. Iyong gusto lamang, kasi iyong 60 million, hindi naman iyan para sa lahat sa atin, 110 million Filipinos po tayo. So, kung ayaw wala pong pipilitin, pero sa tingin ko naman po, sang-ayon naman sa SWS survey 66% ay gusto ng bakuna,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Dwight Howard tiniyak ang tulong sa mga biktima ng lindol sa Taiwan

    Tiniyak ni dating NBA star Dwight Howard na tutulungan niya ang Taiwan matapos na tamaan ito ng malakas na paglindol.   Si Howard ay kinuha ngayon ng Taoquan Leopards ng Taiwan Basketball League mula pa noong 2022.   Naglabas ito ng video kung saan tiniyak niya sa mga mamamayan ng Taiwan na tutulungan niya ang […]

  • Usap-usapang lilipat na sa TV station ng mga Villar: Show at kontrata ni WILLIE, magtatapos na ayon sa short statement ng GMA

    LAST Saturday, February 5, naglabas ng official statement and GMA Network tungkol sa pag-e-expire ng contract ni Willie Revillame na host ng variety show na Wowowin.     Nagsimula itong umere noong May 2015 at sa kasagsagan ng pandemya, nagka-sub title ito ng ‘Tutok To Win’ na kung saan ang dami talaga niyang natulungan na […]

  • 2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan

    DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.     […]