60 milyong mga Filipino voters maglalabasan
- Published on April 29, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG malaking hamon sa gobyerno ang paparating na May 9, 2022 national elections dahil dito ay siguradong maglalabasan ang may 60 milyong mga Filipino voters at pupunta sa kani- kanilang voting precints.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni DILG secretary Eduardo Ano na ngayon pa lang na panahon ng kampanya ay nakikita na nila kung paano ito dinaragsa na ang bilang ay nasa 6 digit numbers.
Kaya aniya, masasabi niyang isang napakalaking hamon sa gobyerno ang milyon – milyong bilang ng mga botante na sabay- sabay na magsisilabasan sa itinakdang oras upang silay makaboto.
Titiyakin naman aniya nila na masusunod ang minimum public health standards at protocol sa araw ng eleksiyon.
Samantala, iniulat din ni Ano sa Talk to the People ang pag- akyat sa porsiyento ng mga lumabag sa hindi na pagsusuot ng face mask na pumalo sa 196% increase gayundin ang mga lumabag sa pag- oobserba ng physical distancing na nasa 201% increase ang itinaas sa datos. (Daris Jose)
-
Ads April 12, 2024
-
Sa kanyang 40th anniversary celebration: GARY V, powerhouse ang guest stars sa ‘Pure Energy: One Last Time’
MAGIGING bahagi ang mga fans ni Gary Valenciano (a.k.a. Gary V) ng OPM history as it unfolds ngayong weekend dahil naghahanda na ang iconic Filipino-Puerto Rican performer at inspirational icon, na kung tawagin ay Mr. Pure Energy para sa kanyang two-night musical spectacle sa SM Mall Of Asia (MOA) Arena ngayong Abril 26 at 27. […]
-
PAGTAAS NG KASO NG DENGUE, NAKITA SA 4 NA REHIYON
NAKITAAN ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao regions, ayon sa isang opisyal ng health department. Sa media forum, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mga partikular na lugar at probinsya lamang ang naapektuhan ng pagtaas ng kaso ng dengue at hindi ang […]