600-K doses ng Sinovac Covid-19 vaccines dumating na sa Pinas
- Published on March 1, 2021
- by @peoplesbalita
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China.
Bago pa man mag-alas-5:00 ng hapon ay dumating na sa Villamor Air Base ang convoy ng pangulo.
Kasunod nito ang pagtungo sa kinalalagyan ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID), at doon sila nag-usap ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ilan sa mga opisyal ng gobyerno na sumalubong sa COVID vaccine arrival ay sina Sen. “Bong” Go, Presidential Spokesman Harry Roque, Health Sec. Francisco Duque, Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pa.
Isa-isang ini-offload mula sa Chinese military aircraft ang kahong-kahon na naglalaman ng Sinovac at ito ay dinis-infect, bago kumuha ang pangulo ng sampol nito at ipinakita sa harap ng camera.
Nabatid na napaaga ang military craft ng China kung saan pasado alas-4:00 ng hapon pa lamang ay nakalapag na ito sa Villamor Air Base, taliwas sa napaulat na alas-5:00 ng hapon ito darating.
Samantala, nagpasalamat si Digong sa pamahalaan ng China para sa kanilang donasyong bakuna na panlaban sa nakakamatay na virus.
Kasabay nito, tiniyak ng pamahalaan na magtutuloy tuloy na ang pagdating sa bansa ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease. (Daris Jose)
-
Covid-19 vaccine ng Russia na inalok sa Pinas kailangan munang dumaan sa FDA
KAILANGAN pa rin na dumaan sa tamang proseso ang iniaalok ng bansang Russia sa Pilipinas na bakuna na na-developed nito laban sa COVID . Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, may batas na ipinaiiral sa Pilipinas ukol sa paggamit ng isang gamot for public consumption na dapat sundin. Kailangan aniyang dumaan ang Covid-19 vaccine […]
-
Isang matinding ‘never’ at napa-eeeeew! ang anak: CIARA, malabo pang magka-boyfriend dahil tutol pa si CRIXUS
SA latest Q & A vlog ng actress na si Ciara Sotto, sinagot nga niya ang mga tanong tungkol sa status ng kanyang pakikipag-relasyon. Naitanong kay Ciara kung may boyfriend na ba siya, pagkatapos ng paghihiwalay ng asawang businessman na si Joe Oconer noong 2016. Nakaaaliw naman ang naging reaction ng […]
-
3 PUGANTENG DAYUHAN, INARESTO SA TELCO FRAUD AT ECONOMIC CRIMES
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted sa telecom fraud at isang Chinese national na kinasuhan ng economic crimes sa kanilang bansa. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawang South Koreans na sina Kim Changhan, 25, at Kim Junhee, 38, matapos maaresto ng mga operatiba ng fugitive […]