• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

605 Bulakenyong health worker, nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna

LUNGSOD NG MALOLOS– May kabuuang bilang na 605 Bulakenyong health worker ang nabakunahan na ng dalawang dose ng bakuna para sa Coronavirus na magbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa malubhang sintomas mula sa nakamamatay na sakit; habang 22,603 Bulakenyo ang naturukan na ng kanilang unang dose ng bakuna.

 

 

Ayon sa ulat ni Dr. Hjordis Marushka Celis, Provincial Health Officer II at Cluster Head ng Response Operations Cluster, sa ginanap na Provincial Task Force on COVID-19 meeting sa pamamagitan ng Zoom application kagabi, tumanggap na ang lalawigan ng Bulacan ng 38,849 doses ng bakuna para sa unang dose kung saan 18,430 ang AstraZeneca at 19,949 ang CoronaVac mula sa Sinovac Biotech; at 18,900 doses ng bakuna ng Sinovac para sa second dose.

 

 

Gayundin, iniulat ni Dr. Celis na nakapagsagawa na ang mga laboratoryo ng COVID-19 sa lalawigan ng 70,561 swab tests kung saan 16% ang positivity rate o 11,083.

 

 

Para sa kanyang direktiba na ipinalabas nang live sa kanyang Facebook page, nanawagan si Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang mga kapwa lingkod bayan na maging mapanuri sa pinanggagalingan ng tamang impormasyon para sa kapakinabangan ng lahat ng Bulakenyo.

 

 

“Mahalaga po sa ating laban sa COVID-19 na labanan din natin ang maling impormasyon. Magtulungan na lamang po tayo at magkaisa imbes na magbatikusan tayo. Sa halip na pag-uusig sa kapwa, magdamayan tayo upang sama-sama nating malagpasan ang laban nating ito,” anang gobernador.

 

 

Nilinaw din niya ang ilang paratang na hindi naglaan ng pondo ang Pamahalaang Panlalawigan para sa paunang order ng bakuna at sinabi na sinunod niya ang payo ng pamahalaang nasyunal na gugulin ang pondo ng Pamahalaang Panlalawigan sa ibang proyekto dahil mayroon na silang nakalaang pondo para sa pagbabakuna ng 70% ng populasyon ng Pilipinas upang makabuo ng herd immunity.

 

 

“Makakatulong po ba na itali ang public funds sa advance order na maaaring milyong piso ang aabutin samantalang may alokasyon naman ang pamahalaang nasyunal? Mismong national government ang nagsabi, baka masayang ang pondo ninyo diyan,” dagdag pa ng gobernador.

 

 

Noong Abril 7, 2021, mayroong naitala na 3,707 kabuuang bilang ng aktibong kaso ang Lalawigan ng Bulacan kabilang ang 165 fresh cases, 44 late cases, 333 bagong kumpirmadong paggaling, at 7 bagong kumpirmadong pagkamatay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kasama ang anim na hot and sexy stars ng Vivamax: SID, umaming isa sa pinakamahirap na ginawa ang orgy scene sa ‘Virgin Forest’

    NAPASABAK na naman ang versatile at award-winning actor na si Sid Lucero sa new version ng classic sex-drama Filipino film ni Peque Gallaga noong 1985, ang Virgin Forest.     Sa trailer ng newest offering ng Viva Films at Center Stage Productions na may parehong titulo, isa nga sa mga pasabog na eksena ay ang […]

  • Nurses sa Pinas mauubos na – DOH

    MALAKI ang posibilidad na maubos na ang mga nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis nila patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo.     “I saw the figures, mas marami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a […]

  • Eala umukit ng kasaysayan!

    GUMAWA ng kasaysayan si Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipinong tennis player na nakatungtong sa finals ng isang Grand Slam event.     Nagawa ito ni Eala matapos pataubin si ninth seed Canadian Victoria Mboko, 6-1, 7-6 (5) sa semifinals ng US Open girls’ singles kahapon sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing […]