625 city ordinance violators, huli sa Caloocan
- Published on March 15, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi bababa sa 625 city ordinance violators ang nahuli ng Caloocan City Police sa unang araw nang pagpapatupad muli ng 10pm-4am curfew hours sa lungsod.
Bukod sa paglabag sa curfew, may mga nahuli rin dahil umiinom sa mga pampublikong lugar at ang iba ay walang suot na face mask habang nasa labas ng tahanan.
Ang mga nahuling lumabag ay dinala sa mga barangay covered court na malapit sa mga Police Sub-Station, kung saan sila inisyuhan ng violation ticket.
Binigyan din ng face mask ang mga nahuling walang suot nito.
Bago pinauwi ay muli rin silang pinaalalahanan at hinikayat na sumunod sa mga umiiral na ordinansa bilang bahagi ng patuloy na laban sa pandemya.
Ayon kay Caloocan Police chief Col. Samuel Mina, mahigpit na ipatutupad ng ating mga kapulisan ang mga ordinansa base na rin sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan.
“Patuloy po tayong nakikiusap sa mga mamamayan ng Caloocan. Magiging mahigpit po ang ating pagbabantay, hinihingi po namin ang inyong pagsunod. Kung hindi po tayo nagtatrabaho ay manatili na po tayo sa ating mga tahanan sa oras ng curfew,” pahayag ni Col. Mina. (Richard Mesa)
-
Presyo ng bilihin, pinangangambahanag tataas matapos ang bagyo
PINANGANGAMBAHANG tataas ang presyo ng bigas, gulay, manok, isda at iba pang produkto matapos tumama ang supertyphoon na si Egay (international name Doksuri) sa ,gaa sakahan at coastal areas partikular sa Central at Northern Luzon regions. Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas secretary general Ronnie Manalo, mas lalong tataas ang presyo ng pagkain […]
-
4 ARESTADO SA PAGSASAGAWA NG PRANK
KALABOSO ang apat na lalaki matapos magsagawa ng prank na kanila umanong i-upload sa social media na isa sa kanila ang isinilid sa sako saka iniwan sa gilid ng kalsada na tila isang biktima ng summary execution sa Valenzuela city. Kinilala ang mga dinakip na si Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, […]
-
Nietes tindero na
RUMARAKET muna sa kanyang maliit na negosyo si dating four-division world men’s professional boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes lalo pa’t walang laban ngayong panahon ng COVID-19. Ipinahayag kamakalawa ng 38-taong gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental ang pinagkakaabalahang trabaho. “Nagtayo muna ako ng kaunting negosyo,”salaysay ni boksingero. “Nagtitinda ako ng […]