• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

642 kaso ng COVID-19 variants, natukoy

Umabot sa 642 mga bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa gitna ng tumataas na kaso ng virus sa bansa.

 

 

Ayon sa DOH, nasa 266 kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 ang B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong kaso ng P.3 variant o Philippine variant.

 

 

Sa 266 kaso ng UK variant, 11 dito ay mga “returning Overseas Filipinos (ROFs), 188 ang lokal na mga kaso at 67 pa ang kasalukuyang bineberipika ng pamahalaan. Walo na dito ang mga nasawi, 204 ang nakarekober at 54 pa ang kasalukuyang aktibo.

 

 

Sa 351 kaso ng South African variant, 15 ang ROFs, 263 ang lokal na kaso at 73 ang bineberipika. Apat na pas-yente na ang nasawi, 293 ang nakarekober at 54 pa ang aktibo.

 

 

Sa 25 P.3 variant, da-lawa ang ROFs, 21 ang lokal na kaso at dalawa ang bineberipika. Nasa 24 ang nakarekober na at isa ang nananatiling aktibo.

 

 

Muling iginiit ng DOH na ang P.3 variant ay hindi pa tinutukoy na “variant of concern” dahil hindi pa sapat ang hawak nilang datos upang masabing may seryosong epekto sa kalusugan ito.

Other News
  • K-Pop Group RED VELVET, BINI, LADY PIPAY, at BGYO bibida sa advocacy concert na ‘Be You! The World Will Adjust’

    HANDA na ang lahat para sa espesyal na advocacy concert na hangarin ang i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs na pinamagatang Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa Hulyo 22 (Biyernes, 7:00 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena at ito ay inisyatibo […]

  • Pilipinas, pangatlo pa lang sa nakapag-uwi ng korona… ALEXANDRA MAE, first Pinay na waging ‘Miss Supermodel Worldwide’

    SA unang pagkakataon ay nagwagi ang Pilipinas sa Miss Supermodel Worldwide 2022 na ginanap sa India noong nakaraang October 15.   Si Alexandra Mae Rosales ang naging representative ng Pilipinas at kauna-unahang Filipina na manalo sa naturang pageant. Ang kanyang mga runners-up ay sina Kaylee Roxanne Porteges Zwart of Netherlands (1st runner-up); Nova Retalista of […]

  • Pinoy na walang trabaho sumirit sa 2-M sa paglobo ng inflation rate

    LUMOBO sa 3.9% ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Marso matapos ang panandaliang pagbaba noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules. Umabot na kasi sa dalawang milyon ang walang trabaho sa Pilipinas, ayon sa March 2024 Labor Force Survey na inilathala ng PSA ngayong Miyerkules. Mas mataas ito kaysa sa unemployment rate […]