6’5” Fil-Am swak sa Gilas Women
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG tigil si Gilas Pilipinas Women program director Patrick Henry Aquino na tumuklas ng talento para sa asam ng bansa na makaabot sa Summer Olympic Games women’s basketball.
Kaya maagap ang kikilalaning 2019 Philippine Sportswriter Association (PSA) Coach of the Year, sa mga nakikitang talento sa hangaring mapalakas ang national women’s quintet.
Isa na rito ang nakita ni Aquino sa Massachusetts.
Ipinagmalaki niya ang pagsang-ayon na ng 6-foot-5, 16-anyos na si Jenesis Perin para makasama sa Gilas women squad.
Ang ina ni Perin ay isang Pinay at kasalukuyang nag-aaral ang tinedyer sa Lawrence Academy.
Wala pang nakukuhang Philippine passport at visa si Perin, pero psotibo si Aquino na makalalaro ito para sa Pinay 5.
“I invited her for the under-17 and under-18 3×3 tournaments this year, so the federation (Samahang Basketbol ng Pilipinas) will get her a PH passport ASAP,” sabi ni Aquino nitong Martes.
Didribol ang Under-17 Asia Cup sa Hunyo 4-7 sa Cyberjaya, Malaysia. Huling recruits ni Aquino sa team sina Camille Clarin at Ella Fajardo. (REC)
-
Arkong Bato Park sa Valenzuela City, bukas na
PINANGUNAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian, kasama sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Councilors, Arkong Bato Punong Barangay at Council ang ribbon-cutting ng bagong gawang Arkong Bato Linear Park sa Marcelo H. del Pilar Street, Barangay Arkong Bato, Valenzuela City. Magtagumpay din naibalik ang monumento ni Kapitan Delfin […]
-
Natanggap ang mensahe habang nagso-shooting sa Canada: GLAIZA, wagi pa ring Best Actress sa Facine Film Festival sa ‘Liway’
NO problem naman pala kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung may eksena siyang makulong sa isang closed area, dahil wala naman siyang phobia sa ganoon. Pero this time, na-challenge si Alden na gawin ang ganoong eksena sa ‘Start-Up PH,’ na nakulong sila sa elevator ni Bea Alonzo na gumaganap na Dani. […]
-
PBBM, nag-donate ng P80.9M para sa AFP hospital sa Zamboanga City
TINURN-OVER ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P80.9-million na halaga ng tseke sa Camp Navarro General Hospital (CNGH) mula sa Office of the President (OP). Ang P80.9 million donation ng Pangulo ay gagamitin para bumili ng mga gamit para sa operating room ng ospital, diagnostics, ward, physical therapy, at iba pang kagamitan. […]