67-anyos pumanaw matapos pumila sa ‘community pantry,’ Angel Locsin nag-sorry
- Published on April 26, 2021
- by @peoplesbalita
Binawian ng buhay ang isang senior citizen sa Lungsod ng Quezon ngayong araw matapos himatayin sa isang “community pantry” na inorganisa ng isang artista sa gitna ng kagutumang dala ng mga lockdowns.
Matatandaang nasimulan ang mga nasabing efforts bilang tugon sa “bagal” ng ayudang natatanggap ng mga residente sa mga eryang naka-lockdown dahil sa COVID-19, dahilan para ‘di makapagtrabaho ang marami.
Sa ulat ay kinumpirmang “dead on arrival” sa ospital ang senior citizen na si Rolando dela Cruz, Biyernes, matapos himatayin sa community pantry ni Angel Locsin.
Samantala, ito ang naging pahayag ni Angel sa kanyang FB post sa masaklap na nangyari.
“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.
Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.
Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.
Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila.
Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.
Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa IATF rules.
Pagkatapos po, ido-donate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community panties at barangay.
Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.
Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.
I am very very sorry.”
-
Mga doktor nabahala sa paglobo ng pertussis
LUBHANG nababahala ang Philippine College of Physicians (PCP) sa pagtaas ng mga kaso ng pertussis o whooping cough sa Pilipinas. Sa unang 10 linggo nitong taon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit sa 500 kaso ng nasabing sakit kung saan 40 ang nasawi at idineklara ang outbreaks sa Quezon City, Pasig […]
-
National Privacy Commission, suportado ang SIM card registration bill
SUPORTADO ng National Privacy Commission (NPC) ang rekomendasyong pagpapasa ng SIM Card registration bill sa bansa na tanging lagda na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinihintay. Sa isang statement ay sinabi ng komisyon na ito ay upang maiwasan ang paglaganap ng iba’t-ibang uri ng kriminalidad na isinasagawa sa pamamagitan ng […]
-
Zoey Taberna, nag-open up sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na leukemia sa murang edad
“Just the word ‘leukemia’ itself made me so afraid.” Ang leukemia, ayon sa healthline.com, “is a cancer of the blood cells.” Ito ang bahagi ng madamdaming post sa Instagram ni Zoey Taberna, ang panganay na anak ng brodkaster na si Anthony Taberna. Si Zoey, 12, ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia. Noong December 2, […]