$672 milyong investment pledges nakuha ni PBBM sa APEC trip
- Published on November 22, 2023
- by @peoplesbalita
NAKAKUHA nang mahigit $672,300,000 mga pangakong pamumuhunan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa iba’t ibang sektor sa kanyang matagumpay na paglahok sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo ay may kinalaman sa teknolohiya, internet Micro GEO satellites at weather forecasting program gamit ang Artificial Intelligence o AI.
Mula sa nabanggit na halaga, $400 million dito ay mula sa telecommunications sector; $250 million sa semiconductor at electronics; $20 million sa pharmaceutical healthcare; $2 million sa artificial intelligence weather forecasting; at $0.3 million sa renewable energy.
Nakuha rin ni Marcos ang commitment para sa suporta sa oncology hospital na magpapahusay sa serbisyo para sa mga pasyenteng may cancer.
Karagdagang $1 billion pamumuhunan naman para sa semiconductor industry ang nakalinya rin para sa negosasyon sa mga kumpanya sa Amerika. Nagkasundo ang Pilipinas at US na magtutulungan para mapalakas ang semiconductor supply chain sa bansa. (Daris Jose)
-
Omicron XE makakapasok sa Pinas sa Mayo
NAGBABALA ang grupo ng mga doktor na posibleng makapasok na at maramdaman sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo kung magpapatuloy ang mababang bilang ng nagpapa-booster shot kontra COVID-19. Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses […]
-
LIVELIHOOD ASSISTANCE SA MGA NAVOTEÑOS
UMABOT sa 673 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang P1,000 cash aid sa unang araw ng payout ng pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng livelihood assistance sa ilalim ng Navo-Ahon Ayuda program. Kabilang dito ang 38 jobseekers na nagtapos noong 2020-2021; 339 displaced workers; 25 delivery rider; 65 jeepney drivers; anim na […]
-
Bucor Director Bantag, suspendido
SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid. Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes. “I went […]