• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7.4 magnitude na lindol yumanig sa Surigao del Sur

PATAY ang isang ina habang sugatan naman ang mister nito at anak sa Tagum City, Davao del Norte matapos ang magnitude 7.4 lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur Sabado ng gabi.

 

 

Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Joy Gemarino ng Brgy. La Filipina Tagum City, Davao del Norte na nasawi matapos mabagsakan ng pader ng gumuhong bahay. Dinala pa ito sa ospital subalit namatay din. Ginagamot naman ang asawa at anak nito.

 

 

Naganap ang lindol sa baybayin ng Hinatuan, Surigao del Sur alas-10:37 ng gabi nitong Sabado.

 

 

Nagsasagawa pa rin ng assessment ang Tagum City Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa insidente.

 

 

Samantala, nakapagtala naman ng 800 aftershocks, 12 sa mga ito ay may lakas na magnitude 4.2 hanggang 6.2.

 

 

Ramdam ang pagyanig sa maraming lugar sa Min­danao at maging sa ilang lugar sa Visayas, Catanduanes at Sorsogon sa Luzon.

 

 

Pinakamalakas ang intensity 7 sa Tandag, Surigao del Sur, intensity 6 sa Bislig Surigao Del Sur at Intensity 5 sa Cagayan de Oro City, Nabunturan, Davao de Oro at Davao City.

 

 

Agad na nagsilabasan ang mga empleyado ng  BPO, ospital at residente sa Matina Enclaves dahil sa malakas na pagyanig.

 

 

Inalis na ng Phivolcs ang inilabas nitong Tsunami Warning.

Other News
  • CTSI Eagle Ridge Ladies Championship kinansela

    KANSELADO ang International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI) Eagle Ridge Golf and Country Club Ladies Championship, na nakatakda sanang mag-umpisa nitong Martes, Marso 23 sa Norman course sa General Trias, Cavite bunsod sa pagtaas ng Covid-19 sa bansa, lalo na sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.     Ipinahayag ng Inter-Agency Task Force […]

  • 44 close contacts ng Omicron subvariant, natukoy

    UMABOT  na sa 44 indibidwal ang natukoy na ‘close-contacts’ ng unang Omicron BA.2.12 case na isang babaeng Finnish na bumisita sa Baguio City, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na agad silang nagkasa ng ‘contact-tracing’ makaraang matukoy ang naturang kaso ng Omicron variant.     Dito […]

  • 4 pang NBA players nagpositibo sa COVID-19

    Apat pang panibagong mga NBA players ang nagpositibo sa COVID-19 mula ito sa halos 500 na isinailalim sa testing sa loob ng isang linggo.     Sinasabing kabilang sa nagpositibo sa virus ay ang mga players ng Chicago Bulls na sina Chandler Hutchison at Tomas Satoransky.     Bago ito, umabot sa 492 players ang […]