7 American Pedophile, hinarang sa airport
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong American nationals na dati nang nahatulan sa sex crimes sa US na makapasok ng bansa.
Sinabi ni Bureau of Immigration Officer-in-Charge Joel Anthony Viado na ang nasbing mga pasahero ay nasabat sa magkakahiwalay na petsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan airport nang dumating ang mga ito bilang mga turista.
“However, they were immediately denied entry after our primary officers and their supervisors discovered that they are registered sex offenders (RSOs) due to their record of convictions for sex crimes they committed against minor victims,” ayon kay Viado.
Ito ay batay din sa Philippine immigration act na nagbabawal sa mga dayuhan nahatulan na ng krimen kaugnay sa moral turpidude na makapasok ng bansa.
“They were all turned away and boarded on the next available flight to their port of origin. And as a consequence of their exclusion, they were included in our blacklist and banned from entering the Philippines,” ayon kay Viado.
Kinilala ang unang naaresto na si Dustin Patrick Auvil, 57, na galing sa San Francisco, USA na nahatulan dahil sa pang-aabuso sa isang apat na anyos na batang babae.
Sumunod si Daniel Russell Eoff, 34, na nahatulan ng second degree sexual assault laban sa isang 6–anyos na batang babae.
Kasama rin si Francisco Javier Alvarado, 39, who was convicted in 2017 of child pornography for possessing obscene material depicting a minor in sexual conduct.
Kabilang din sa hindi pinapasok si Michael Allen Turner, 41, dahil sa kasong sexual assault of a child in the second degree.
Hindi rin pinapasok si Matthew Thorin Wall, 46, dahil sa sexual penetration at sexual copulation sa isang 18 anyos na babae, si Todd Lawrence Burchett, 41, dahil sa gross sexual imposition kaugnay sa isang 13-anyos na batang babae at William Emil Wanket, 40, dahil sa pang-aabuso sa isang 2-anyos na batang babae. GENE ADSUARA
-
Pacquiao tutulak na sa Amerika
Tutulak na pa-Amerika si eight-division world champion Manny Pacquiao sa susunod na linggo upang ipagpatuloy ang pukpukang ensayo sa Wild Card Gym sa Hollywood, California. Nakatakdang umalis si Pacquiao sa Hulyo 3 para makasama sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune sa training camp doon. […]
-
Shin Hae-sun Tracks Fraud Online Seller in Korean Crime Thriller “Target”
SET within the contemporary world of e-commerce, a woman’s life falls apart after buying a used item online in “Target”, a Korean thriller with a star-studded cast that includes K-drama’s favorites – Shin Hae-Sun (Mr. Queen), Kim Sung-kyun (Moving), Lim Chul-Soo (Crash Landing on You), Lee Joo-Young (School Nurse Files) and Kang Tae-oh (Extraordinary Attorney […]
-
Dahil tumutulong ang anak at ‘di nanloloko: VILMA, naging emosyonal nang matanong sa pinagdaraanan ni LUIS
ISANG dakilang ina kaya hindi maaaring hindi ipagtanggol ni Ms. Vilma Santos ang kanyang anak na si Luis Manzano na nasasangkot ngayon sa isang kontrobersiya sa negosyo. Kaya naman naging emosyonal si Ate Vi sa pagtatanggol kay Luis tungkol sa mga nagrereklamong nagpasok ng puhunan sa Flex Fuel Petroleum Corporation. Naganap […]