7-araw na tigil pasada, ikinakasa ng ilang transport group
- Published on March 1, 2023
- by @peoplesbalita
IKINAKASA ngayon ng ilang transport group ang isang linggong tigil pasada o pitong araw sa buwan ng Marso asais- hanggang a-dose para sa mga UV express at mga traditional jeepney sa bansa.
Ito pa rin ay bilang pagtutol sa inilabas ng Land transportation franchising and regulatory Board na memorandum circular 2023-013 sa Public Utility Vehicle Modernization program na hanggang Hunyo a-trenta na lamang.
Sa panayam sa transport group na Manibela na si Chairman Mar Balvuena, aniya ang dahilan umano ng gagawin nilang transport strike ay para mapansin at makita pa sila ng pamahalaan, kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga sasakyan sa bansa. Sakripisyo rin umano ito sa mga driver na hindi papasada sa ilang araw gaya na lamang ng hindi pagpapasada sa gitna ng pandemya.
Nanawagan rin ang grupo sa pamahalaan na sana’y pagbigyan ang hiling na limang taon pa bago ipatupad ang Public Utility Vehicle Modernization program at sana’y mapakinggan sila hinggil sa iprenisinta nilang disenyo ng Jeepney na pasok naman sa standards at mas mura pa sa gagastusin sa nasabing programa.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipaglaban ng mga transport group hinggil pa rin sa modernization program na inilabas ng LTFRB at ang patuloy na banta ng transporst strike sa buong bansa. (Daris Jose)
-
DOTr: 47.1 M na pasahero ang sumakay sa EDSA busway
NAKAPAGTALA ang Department of Transportation (DOTr) ng 47.1 million na pasahero ang sumakay sa EDSA busway noong nakaraang 2021 na may daily average na 129,000 na katao ang gumamit ng EDSA busway. “We are happy that many benefited and are continuously benefiting from EDSA busway, especially during this time of pandemic,” wika ni […]
-
Posibleng pagtakbo ni PDu30 sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa, walang legal impediment- Sec. Roque
WALANG legal impediment o legal na hadlang para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung magdesisyon man itong tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa 2022 elections. Taliwas ito sa pinalulutang ng ilang grupo. “Section 4, Article VII of the Constitution is clear : The President shall not be eligible for any re-election. President Duterte is […]
-
Cardinal Advincula biyaya sa Archdiocese of Manila-Cardinal Tagle
Isang biyaya ng Diyos para sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila si Cardinal Jose Advincula. Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at dating arsobispo ng Maynila kay Cardinal Advincula na nakatakdang italaga sa Hunyo 24 bilang ika -33 arsobispo ng arkidiyosesis. […]