• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 arestado sa sugal at shabu sa Navotas

Arestado ang pitong katao, kabilang ang isang byuda matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan ng shabu ang apat sa kanila sa Navotas city.

 

 

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na si Marilyn Blance, 55, byuda, Norlito Faustino, 47, Angelito Lee, 43, at kapatid nito na si Manuel Lee, 51, pawang mangingisda.

 

 

Habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa P.D. 1602 as amended by R.A. 9287 (Illegal Gambling) ang tatlong mangingisda din na si Elmer Laurente, 56, Artemio Linehan, 45, at Celso Cahilig”, 48.

 

 

Ayon kay PSMS Nemesio “Bong” Garo, dakong 1 nang hapon nang ipadala ni Maj. Sobrido ang isang team ng kanyang mga tauhan sa pamumuno ni PLT Erwin Garcia upang alamin ang natanggap nilang ulat hinggil sa umano’y nagaganap na pot session sa isang bangkang pangisda na FBCa JUNJUN na nakadaong sa Break Water ng Navotas.

 

 

Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na nagsisiksikan sa naturang bangka kung saan naaktuhan ang tatlo sa kanila na naglalaro ng sugal na “Pusoy” habang nakuhanan naman ang apat ng hinihinalang shabu dahilan upang arestuhin ang mga ito.

 

 

Narekober sa mga suspek ang isang deck ng baraha, P500 bet money at pitong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P4,900 ang halaga. (Richard Mesa)

Other News
  • COVID sa PNP 4,868 na

    Umakyat na sa 4,868 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP), ayon sa ulat. Batay sa PNP, pumalo rin sa 3,396 ang nakarekober habang nananatili sa 16 ang nasawi. Kasalukuyan namang binabantayan ang 3,146 suspect at 735 probable cases.

  • Hindi nagbago ang Gilas 12, reserba pa rin si Thirdy laban sa Saudi Arabia

    Walang ginawang pagbabago sa roster ang GILAS Pilipinas para sa laro laban sa Saudi Arabia noong Lunes sa 2023 Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers.   Bago ang malaking 74-66 tagumpay laban sa Jordan noong Biyernes, mangunguna ang Pilipinas kay PBA MVP Scottie Thompson, Dwight Ramos, at Kai Sotto.   Tingnan si Scottie na tuwang-tuwa […]

  • PDU30, hiniling sa MMDA na bilisan ang pag- aaral ukol sa inilatag na panukala ng ahensiya

    HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kung maaari ay paspasan nito ang ginagawang pag- aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni Pangulong Duterte kay MMDA Chairman Romando Artes na agad magsagawa ng pag- aaral at mula doon ay marepaso na […]