• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 drug suspects nalambat sa buy bust sa Malabon

BAGSAK sa kalaboso ang pitong drug suspects, kabilang ang tatlong babae matapos makuhanan ng higit P87K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

 

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa P. Concepcion Brgy., Tugatog.

 

 

Timbog sa operation si Randolph Villacorta alyas “Andong”, 34, (Pusher/Listed), Mary Jane Legaspi alyas “Jeng’, 34 at Airene Ignacio, 32, matapos magsabwatan umano na bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, aabot sa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000 ang nakumpiska sa mga suspek, kasama ng marked money.

 

 

Nauna rito, naaresto rin sa buy-bust operation sa Pampano St., Brgy. Longos dakong alas-3:30 ng hapon sina Baby Rose Camilon alyas “Mia”,30, (User/Listed), Crisanto Sy, 51, Carlito Tuazon, 45, at Benjamin Bacolod, 50.

 

 

Nasamsam sa kanila ang humigi’t-kumulang 2.89 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P19,652 at P300 buy bust money.

 

 

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 26 Chinese militia vessels namataan sa Ayungin Shoal

    IBINUNYAG ng Philippine Coast Guard na mayroong nasa 26 na mga suspected Chinese maritime militia ang muling nakita malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.     Sa inilabas na larawan ng coastguard mula sa Maritime Domain Awareness flight na kinukumpirma ang pagkakaroon ng 26 na suspected Chinese maritime militia at Chinese Coast Guard. […]

  • Maynila, ginawaran ng ‘Excellence in Digital Public Service Award’

    TUMANGGAP ng “Excellence in Digital Public Service” ng Gcash sa katatapos na Digital Excellence Awards ang Lungsod ng Maynila sa patuloy na pag-ani ng iba’t ibang anyo ng pagkilala sa ilalim ng pangangasiwa ni Mayor Honey Lacuna.     Sinabi ni Lacuna na kinilala ng digital wallet service provider ang napakalaking pagtaas ng mga online […]

  • Official Teaser Poster Unveils for “Shazam! Fury of the Gods”

    With his cape flowing with the wind, “Shazam! Fury of the Gods” has just unveiled its official teaser poster.     About “Shazam! Fury of the Gods”     From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of teenage Billy Batson who, upon reciting the magic word “SHAZAM!,” is […]